New Blog Site (Click here):

Encantadia: Yugto ng Nakaraan

Sunday, June 29, 2008

Tuwing aking gugunitain ang lumipas na panahon, nagbabalik sa aking balintataw ang kaharian ng Encantadia. Ang daigdig na puno ng salamangka at kababalaghan na umiikot sa istorya ng Pag-ibig, Paghihiganti, at Pakikipagsapalaran ng apat na Sangreng nagtataglay ng mahihiwagang brilyante.

Ang mga bakla ay nag-aagaw sa titulo kung sino ang tunay na Alena, Pirena, Danaya, o Amihan. Subukan nilang agawan ako sa titulo ni Amihan, makakatikim sila ng bangis ng buhawing mula sa eredera ng Brilyante ng Hangin. Nadagdag na rin sa baklabularyo mga salitang "AVISALA", "PASHNEA", 'HATHOR", "SHEDA", at marami pang iba...

Halimbawa:
Pirena: Avisala, mahal kong kapatid..
Alena: Sheda! isa kang taksil...
Pirena: Pashnea, anong kahangalan ang iyong sinasambit!
Alena: Echos lang...

****************************
Wala lang... naalala ko lang... matagal na siyang wala sa TV. Medyo mahal din yung DVD nsya sa SM. hehehehe.

Hashne Ive Chuvaness!

2 comments:

Wilberchie said...

ang bakla neto ah! Mabuhay ang mga Sanggre!

Yffar Aquino said...

hahaha. hashne live
encantadia

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online