New Blog Site (Click here):

Showing posts with label Case Study. Show all posts
Showing posts with label Case Study. Show all posts

Case Study: Panayam kay Ed, isang Badet

Sunday, August 3, 2008

I. Talasalitaan

BADET
-Nanggaling sa pinagsamang dalawang salita na "Bading" at "Bagets" na ang kahulugan ay batang bakla.
-Ibang kasingkahulugan: BAKLING


II. Kasaysayan

Sa isang house party ng isang bisexual clan na aking dinaluhan (masabi lang na bisexual kahit na yung iba eh becking becky), may nakilala akong isang batang bakla na kasama sa mga performers sa naturang gabing iyon. Naging focus siya ng aking attention dahil siya lang ang namumukod-tanging minorde edad. After ng bonggang bongang production number nila ay nagkadaupang palad kami sa silid na aming tinigilan at kinausap ko siya. Marami akong katanungan sa kanya tungkol sa kanyang pagiging isang BADET. Siya si Ed, laking Bacoor Cavite.

III. Panayam

Yffar: Ilang taon ka na ngayon?

Ed: Fifteen (15) po.

Yffar: Ang bata pa ah. Eh ilang taon ka noong malaman mong bakla ka?

Ed: Noong Grade 5 ako, mga 10 years old yata ako noon.

Yffar: Pero nagkagusto ka ba sa babae?

Ed: nagkaka-crush ako sa babae before, kaso yun nga, nalaman ko na lang sa sarili ko na nagkakagusto pala ako sa kapwa lalaki.

Yffar: Ano naman ang reaksyon ng family mo noong malaman nila na baklush ka?

Ed: Noong nalaman nila na bakla ako ang sabi na lang ng nanay ko hayaan na lang daw. Wala na silang magagawa kasi eto na ako eh.

Yffar: Sa family mo ba nakaranas ka ngn discrimination dahil judang ka?

Ed: Sa Papa ko, siguro. Oo. Kasi ako ang bunso at nag-iisang anak na lalaki.

Yffar: Unico iho ka pala, eh nabugnog ka naman ba?

Ed: Hindi naman po nila ako sinaktan.

Yffar: Sa edad mong iyan, nakailang boy friend ka na ba?

Ed: Hindi naman siya boyfriend. Fling lang siguro. Isa pa lang. Ayoko munang pumasok sa relasyon, ang gusto ko yung taong mahal ko at mahal ako.

Yffar: Wag kang maooffend ah, nakipagsex ka na ba?

Ed: Hindi rin po, kasi gusto ko kapag dumating na sa point na ibibigay ang virginity ko doon sa siguradong magtatagal. Yung long term relationship ba?

Yffar: Ang bata mo pa para pumasok sa same sex relationship ah...

Ed: Hmmm... Porke't bata ba ako eh wala na akong karapatan? Isa pa, hindi rin naman ako nagmamadaling pumasok sa relasyon.

Yffar: Ah. Ok. Hehe. Sa community nyo ba eh nakakaramdam ka ng discrimination?

Ed: Meron. Lalo na noong mas bata pa ako. Noong mga panahong kakaladlad ko lang. Lagi akong sinasabihan na, "Bakla chupain mo ako!". Pero hindi ko na lang pinagpapansin. Tapos nakakaencounter pa ako ng mga nakakaoffend na jokes, kahit pabiro alam mong may laman.

Yffar: Sa schooling mo, hindi naman ba nakakaapekto ang pagiging bakla.

Ed: Hindi no. Minsan nga mas matalino pa kaming mga bakla sa class compared sa mga straights. Mas binibigyan pa nga kami ng responsibilities kasi creative kami.

Yffar: Last na toh, in the near future, may plano ka bang magkapamilya?

Ed: Depende. Pero nasa option ko po yun. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng sariling family?

*biglang may dumating na lalaking may bitbit na digicam at nagpicture picture kaming lahat na nasa room*

IV. Analysis
Compared sa ibang mga badets, nakakatuwa itong si Ed sapagka't may pagkareserved ang kanyang pag-uugali. Unlike yung mga badets sa amin, aba, kabata bata eh humahada na. Although nakakaramdam siya ng discrimination sa family, kahit minimal, at sobra sobra sa community niya, pinipilit pa rin niyang hindi ito makaapekto sa kanyang pagkatao kahit ano pa man ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Katulad ng karamihan ng mga bakla, sa kanyang murang kaisipan ay naghahangad rin sya ng wagas na pag-ibig, ang pinagkaiba lang, ang ibang bakla ay nagmamadali, and he's not on a rush for romance and commitment. Naipapakita rin sa kanyang kasaysayan na ang pagiging bakla sa ngayon ay hinahayaan lamang at hindi pa ganoon katanggap. Ating tatandaan na may pagkakaiba ang TOLERANCE at ACCEPTANCE. Ang nais nating mga lumalaban para sa karapatan ng mga LGBT ay ang wastong pagtanggap at hindi ang bulag na pagyakap.

Ang mga badets na kagaya ni Ed ay dapat na gabayan upang hindi mailihis ng landas. Kaya matapos ang aming panayam ay iniwanan ko siya ng mga payong kaibigan at ibinigay ko rin ang aking personal number upang matawagan niya ako kung mayroon siyang mga problema sa pagiging badets. Nararapat lamang na lumaki silang mga baklang karesperespeto at may dangal.

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online