New Blog Site (Click here):

Case Study: Panayam kay Ed, isang Badet

Sunday, August 3, 2008

I. Talasalitaan

BADET
-Nanggaling sa pinagsamang dalawang salita na "Bading" at "Bagets" na ang kahulugan ay batang bakla.
-Ibang kasingkahulugan: BAKLING


II. Kasaysayan

Sa isang house party ng isang bisexual clan na aking dinaluhan (masabi lang na bisexual kahit na yung iba eh becking becky), may nakilala akong isang batang bakla na kasama sa mga performers sa naturang gabing iyon. Naging focus siya ng aking attention dahil siya lang ang namumukod-tanging minorde edad. After ng bonggang bongang production number nila ay nagkadaupang palad kami sa silid na aming tinigilan at kinausap ko siya. Marami akong katanungan sa kanya tungkol sa kanyang pagiging isang BADET. Siya si Ed, laking Bacoor Cavite.

III. Panayam

Yffar: Ilang taon ka na ngayon?

Ed: Fifteen (15) po.

Yffar: Ang bata pa ah. Eh ilang taon ka noong malaman mong bakla ka?

Ed: Noong Grade 5 ako, mga 10 years old yata ako noon.

Yffar: Pero nagkagusto ka ba sa babae?

Ed: nagkaka-crush ako sa babae before, kaso yun nga, nalaman ko na lang sa sarili ko na nagkakagusto pala ako sa kapwa lalaki.

Yffar: Ano naman ang reaksyon ng family mo noong malaman nila na baklush ka?

Ed: Noong nalaman nila na bakla ako ang sabi na lang ng nanay ko hayaan na lang daw. Wala na silang magagawa kasi eto na ako eh.

Yffar: Sa family mo ba nakaranas ka ngn discrimination dahil judang ka?

Ed: Sa Papa ko, siguro. Oo. Kasi ako ang bunso at nag-iisang anak na lalaki.

Yffar: Unico iho ka pala, eh nabugnog ka naman ba?

Ed: Hindi naman po nila ako sinaktan.

Yffar: Sa edad mong iyan, nakailang boy friend ka na ba?

Ed: Hindi naman siya boyfriend. Fling lang siguro. Isa pa lang. Ayoko munang pumasok sa relasyon, ang gusto ko yung taong mahal ko at mahal ako.

Yffar: Wag kang maooffend ah, nakipagsex ka na ba?

Ed: Hindi rin po, kasi gusto ko kapag dumating na sa point na ibibigay ang virginity ko doon sa siguradong magtatagal. Yung long term relationship ba?

Yffar: Ang bata mo pa para pumasok sa same sex relationship ah...

Ed: Hmmm... Porke't bata ba ako eh wala na akong karapatan? Isa pa, hindi rin naman ako nagmamadaling pumasok sa relasyon.

Yffar: Ah. Ok. Hehe. Sa community nyo ba eh nakakaramdam ka ng discrimination?

Ed: Meron. Lalo na noong mas bata pa ako. Noong mga panahong kakaladlad ko lang. Lagi akong sinasabihan na, "Bakla chupain mo ako!". Pero hindi ko na lang pinagpapansin. Tapos nakakaencounter pa ako ng mga nakakaoffend na jokes, kahit pabiro alam mong may laman.

Yffar: Sa schooling mo, hindi naman ba nakakaapekto ang pagiging bakla.

Ed: Hindi no. Minsan nga mas matalino pa kaming mga bakla sa class compared sa mga straights. Mas binibigyan pa nga kami ng responsibilities kasi creative kami.

Yffar: Last na toh, in the near future, may plano ka bang magkapamilya?

Ed: Depende. Pero nasa option ko po yun. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng sariling family?

*biglang may dumating na lalaking may bitbit na digicam at nagpicture picture kaming lahat na nasa room*

IV. Analysis
Compared sa ibang mga badets, nakakatuwa itong si Ed sapagka't may pagkareserved ang kanyang pag-uugali. Unlike yung mga badets sa amin, aba, kabata bata eh humahada na. Although nakakaramdam siya ng discrimination sa family, kahit minimal, at sobra sobra sa community niya, pinipilit pa rin niyang hindi ito makaapekto sa kanyang pagkatao kahit ano pa man ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Katulad ng karamihan ng mga bakla, sa kanyang murang kaisipan ay naghahangad rin sya ng wagas na pag-ibig, ang pinagkaiba lang, ang ibang bakla ay nagmamadali, and he's not on a rush for romance and commitment. Naipapakita rin sa kanyang kasaysayan na ang pagiging bakla sa ngayon ay hinahayaan lamang at hindi pa ganoon katanggap. Ating tatandaan na may pagkakaiba ang TOLERANCE at ACCEPTANCE. Ang nais nating mga lumalaban para sa karapatan ng mga LGBT ay ang wastong pagtanggap at hindi ang bulag na pagyakap.

Ang mga badets na kagaya ni Ed ay dapat na gabayan upang hindi mailihis ng landas. Kaya matapos ang aming panayam ay iniwanan ko siya ng mga payong kaibigan at ibinigay ko rin ang aking personal number upang matawagan niya ako kung mayroon siyang mga problema sa pagiging badets. Nararapat lamang na lumaki silang mga baklang karesperespeto at may dangal.

13 comments:

MINK said...

hmmm, wish ko lang maging badet ulet ako pero on second tot hindi na rin siguro, masaya na ako sa ako ngayon, char

seriously... maganda ang nangyari kay ed kasi out na siya sa pamilya nya at malaya na siya compared sa akin o sa iba pang nasa closet well, mahirap talaga. pero in time siguro. yun lang nashare ko. isama mo nga ako minsan sa mga shows na ganya... char lang ulet

ingat lagi raf

:)

Yffar said...

mahirap pa talagang magladlad..

it takes courage and the right time para masabi mo sa lahat ng tao kung ano ka ba talaga...

sige, pag may party ulit.. ipopost ko para makasama kayo.. hehehe

jericho said...

cool..start them young..;)

Yffar said...

@kuya jericho
:D sa simulapa lang dapat tinuturuan na ng wastong asal ng pagiging bakla.. hehehehe

fuchsiaboy said...

i often wondered if there is a need to come 'out' to everybody? is there always a need to explain your actions and your reasons to people? are gay people creating their own monsters: the perceived homophobia, the rejection, the complications?

let me make it clear that i'm not denying that all those complications and negative reactions are existent. they do happen.

i hope you get my drift.

Chyng said...

@fuchsia boy,
can i answer? actually not. why do you have to explain to everybody? besides they wont understand. pero cnsabe pa nila "OK lang yan." Haller, aalam namen yung totoo!

@raffy,
swerte ang mga bata ngayon. meron na silang mga kuya sa mga orgs na mag-guiguide sa knila. (--,)

nice blog!

isa na namang kamangha manghang personalidad ang lumalawak sa blog!..GALING!!!

pareng hilton said...

yap mahirap maging badet.. buti nga tawag pa sa akin ng mga friends ko ay kuya.. yung iba nga nagtatanong pa na kung may gf ba ako. yung iba nagtatanong pa kung bakla ka ba? masaya ako dahil nagtatanong sila kasi ibig sabihin nyon ay di pa ako ganoon ka halata..

Yffar said...

@fuschiaboy
hindi naman kailangang mag-out..
depende sayo yan...
ika nga
"the real choice is between living life in the shadows or walking proudly in the light"

if hindi mo kayang magladlad...
di ka naman pinipilit..
kasama sa etiketa naming mga bakla na hindi ipahamak ang mga kapwa natin dahil hindi ka pa nag OUT.

it's your own sense of liberation.

Kung kaya mong magtiis na hindi mag out.. carry lang. :D

kaya nga may mga closets pa rin until now and we are not encouraging them to go OUT.

if kaya ng isang bakla, kahit close friends lang. Ma-ease lang yung burden na dala dala niya.

mahirap kasing makakuha ng 100% na pagtanggap sa lipunan lalo na sa consevartive na society kagaya ng Pilipinas. :D

mwah!

natuwa ako nag punta ka sa blog ko.. ahihihihih

Yffar said...

@pareng hilton
"masaya ako dahil nagtatanong sila kasi ibig sabihin nyon ay di pa ako ganoon ka halata.."
taray ng statement mare ah..
hehehehehe

@ever
tnx sa comment mo po.. ahihihihih

@ate chyng
sana noong panahon ko may mga kuya din ako... sariling sakop ako nagexplore.. hahahaha

Chyng said...

winner to:

kasama sa etiketa naming mga bakla na hindi ipahamak ang mga kapwa natin dahil hindi ka pa nag OUT..

so true! all these years im still lying para protektahan ang lihim ng iba.. (--,)

Yffar said...

so true! all these years im still lying para protektahan ang lihim ng iba.. (--,)

kasi if ikaw ang nasa kalagayan ng mga baklang closeta dapat alam mo na ayaw mong malaman ng iba ang tunay mong pagkatao..

hays...

sabi nga ni jerrie, minsan dpat hindi ineemancipate ang mga bakla. kasi dumadami sila exponentially. lol. notwithstanding, the respect must come first from Ed's, then the rest, i believe will follow.

nice blog anyway.

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online