“Kyuryus”
Sa chat lamang kami nagkakilala. Matagal akong naghintay at halos namuti na ang aking mga mata, mula ika-siyam ng gabi hanggang ala-una ng umaga sa palengkeng katabi ng Sandiganbayan.
“Sorry, natagalan ako sa pagtapos ng short film”, nagpapaumanhing pagbati sa akin. Bata pa ako noon at wala pang muwang . Gusto ko lang masubukan.
“Wala akong dala”, wika ko sa kanya.
“Pwede na yan”, tugon niya.
At nagpatuloy na kami sa kung ano man ang napagusapan naming gawin kung bakit kami magkikita. Ang isang gabing aming pinagsaluhan ay naging mga araw. Naging buwan.
At hindi na kami nagkausap pa sa loob ng anim na taon.
Kadarating ko lamang dito sa PGH. Nagbabasa ng pahayagan at ang artikulo’y ukol sa sikat na director ng malayang pelikula na nagwawagi sa mga internasyonal na patimpalak, pumanaw nitong makalawa dahil sa malalang karamdaman.
Nag-text sa akin ang aking kasalukuyang kasintahan,
“Babe, positive ako...”
Flash Fiction: Kyuryus
Sunday, January 25, 2009Posted by Yffar (^^,) at 11:25 PM
Labels: Flash Fiction, LGBT Stories
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
oh?
Post a Comment