New Blog Site (Click here):

Essay: My Pink Goverment

Wednesday, July 16, 2008

President na ako ng Pilipinas? Di nga? Hindi ako makapaniwala. 21 years old pa lang ako para maging pangulo ng Pinas. Aba! Winner ang lola nyo. At least natalbugan ko ang Nepal na may first politician lang. Eh akesh, first leader ng buong bansa. Hindi lang sa Asia nakapagbreak ng record, maybe sa buong mundo pa di ba?! Biruin mo yun, hindi lang si Pacqiao ang nagbigay ng karangalan sa bansa, ako rin na isang bading. May world record na, title holder pa.

Mahirap yata ang katungkulan bilang isang pangulo. Hindi na akech makakaparty sa Malate kapag Sabado kasi baka may mga magbanta sa aking buhay. At kung papayagan man nila, baka may kasamang Presidential Body Guards pa. Hays.. Hindi yun enjoy. Well, that would be the price to pay if you will become a public servant. You really have to sacrifice a lot of personal happiness and focus on the responsibilities vested upon you. Naalala ko si Princess Emeraude sa anime na Magic Knight RayEarth, bilang haligi ng Sipiro, kailangan nyang magdasal para sa ikabubuti ng lahat ng nasasakupan niya, at kinailangan niyang iwanan ang lahat ng personal na kaligayahan. Boring din ng buhay niya di ba. Kung lahat sana ng pulitiko ay kagaya ng prinsesang ito, kahit 70% lang ng pag-layo sa pansariling kapakanan, do you think uunlad ang Pilipinas? Aba oo siyempre naman. Mawawala ang graft and corruption na siyang hadlang sa pag-asenso ng bayan natin.

Ano kaya ang mga presidential decrees na ipapatupad ko? Hmmm. Una sa priority ko ang Anti-Discrimination Bill na hanggang ngayon ay ipinaglalaban namin. Kailangang alisin ang maling pakikitungo sa mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community. Kailangan nating maisakatuparan ang naturang batas dahil makakamit lamang natin ang tunay na kasarinlan kung may pantay pantay na karapatan kahit ano pa man ang iyong kasarian. Let’s face it, hindi lang racial discrimination ang talamak noh, pati ang gender discrimination. Hahayaan ba nating may mga lesbiana pang ipagahasa ng kanilang mga magulang? Oh ang pagbugbog sa mga bakla dahil hindi matanggap kung ano sila? Ang masigawan nga lang na BAKLA oh TOMBOY eh isang uri na ng diskriminasyon. Kailangan na itong matigil. As in now na! Kalaboso ang hatol sa mga magdidiscriminate sa atin.

Mukhang mahirap tanggapin sa konserbatibong konteksto ang “same sex marriage”, kung hindi ko man ito maipatupad, ipagpipilitan ko pa rin ang pagsulong nito. Sa aking point of view, hindi lang ito para maging legal ang samahan ng mag-asawang bahagi ng LGBT Community, magkakaroon din sila ng sense of security at upang makapamuhay ng normal. Hindi lang mga straight ang may karapatang umibig at mabuhay na kasama ng taong mahal nila, lahat tayo ay may pusong pwedeng tumibok sa kung sino man ang naisin nito. Mahaba habang debate ito at kailangan kong mapag-isa ang sangkabaklaan sa Pilipinas upang ipakita sa buong bansa na maraming nag-aasam ng ganitong uri ng kalayaan. Kung hindi talaga papayagan, e di fly ako sa California at maging citizen nila at doon magpakasal. Ang problema lang, hindi ko kayang iwan ang bansang Pilipinas, mahal ko ang bayan ko, kaya hanggang kaya ko, dito pa rin ako magsasabi ng “I DO” sa FIRST GENTLEMAN ko.

Sa aking pamamahala, magkakaroon ng Center of LGBT Affairs. Ito ang bahagi ng pamahalaan na tutulong sa mga batang pinapalayas ng mga magulang dahil sa sila ay bakla o tomboy. Kung maari ay ika-counsel ang mga naturang magulang upang mahalin kung ano man ang kanilang mga anak. At kapag hindi pa rin nila mayakap ang kapalaran ng kanilang mga supling, mga surrogate parents na muna ang mag-aaruga sa kanila hanggang sa sila ay lumaking responsableng bakla na kayang tumayo sa sariling mga paa. Isa pa sa mga programa ng naturang center ay ang pagpapalawak ng mga Home for the Aged na nakafocus sa mga matatandang bakla at tomboy dahil hindi naman lahat ng matatandang LGBT ay may mga pamilyang mag-aalaga sa kanila.

Gusto kong maintindihan ng lahat ng Pilipino kung ano ba talaga ang mga gays, lesbians, bisexuals at transgenders. Tamang edukasyon lang ang kailangan ng mga mamamayan upang maunawaan nila ang aming nararamdaman. Kung ano ba talaga kami. . Before ay kasama kami sa mga may abnormal behaviors, well, studies proved that we’re not. Kami’y mga normal na tao na gusto ring mamuhay ng normal. As much as possible ay nararapat na maisama ito ng Department of Education sa mga kurikulum ng mga mataas at mababang paraan.

Pagyayamanin ng aking administration ang mga hanapbuhay na related sa mga LGBT. Kung tutuusin talented ang mga taong kagaya ko at gagamitin ng bansa ang kanilang talino upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oh di ba! Bonggang Bonga ang aking Pink Government. Hindi ko naman babaguhin ang Pambansang Wika mula Tagalog at magiging Gay Lingo, gawing rainbow ang kulay ng watawat, aawitin tuwing flag ceremony ang “Through the Fire” or “Shine” bilang national anthem, at ipoproklama na ang bagong pambansang bayani ay si Danton Remoto. Ang aking plataporma ay nakatuon sa pagpapalawig ng equal rights at pagsagot sa kahirapan.

Teka. Bakit may naririnig akong ring tone. Paulit-ulit. Nakakabingi. Alarm clock lang pala ito ng aking mumurahing cellphone.

At nagising na nga ako. Panaginip lang pala ang lahat. Isang panaginip na sana ay maisakatuparan. Hindi man sa aking kapanahunan ay matamasa sana ng mga susunod na henerasyon ng mga bakla at tomboy ng bansang aking kinabibilangan.

Echos: My Coming Out Story

Saturday, July 12, 2008

Paulit-ulit akong naglalabas masok sa pinto ng aking silid. Balisa at hindi mapakali.

“Nay”, aking sambit habang nakatingin kay nanay.

“Bakit?”, kanyang tugon.

“Ah, wala..”, sabay pumasok ako ulit sa kwarto.

Ilang saglit ang lumipas…

Sa maka-apat na ulit lumabas ako ulit ng aking kwarto.

“Nay?”, pang-ilang beses ko ng pagtawag sa aking ina.

“Hmm… May sasabihin ka noh”, habang nag-aabang siya sa kung anumang ibubulalas ng aking bibig.

Matagal kaming nanahimik. Nakatitig sa isa’t isa. Hanggang sa bigla akong nagsabi ng..

“Nay, may bisita po ako mamaya, BOY FRIEND ko”

“Bakla ka?!” pabigla niyang tanong

Wala na lamang akong nagawa kung hindi ang tumango na tanda ng aking pag-amin. Noong mga oras na iyon ay handa na ako sa kung anumang reaksyon ang maipamamalas ang aking ina. Ako ba’y sasampalin… palalayasin… oh di kaya’y pagsasalitaan ng masasakit na kataga.

“Matagal ko ng alam. Bata ka pa lang nararamdaman kong lalaki kang ganyan.”, wika ng aking ina.

“Hindi ka galit?”, tanong ko sa kanya

“Bakit ako magagalit? Wala na akong magagawa kung ano ka man ngayon. Tanggap kita bilang ikaw.”, Matapos nyang sabihin ang mga bagay na iyon ay niyakap niya ako. Sobrang higpit. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ang mga luhang pumatak sa aking mga mata ay sobrang nakagaan sa bigat na aking pasan pasan noong ikinukubli ko pa ang aking tunay na pagkatao.

“Nay, anong oras ka papasok, papakilala kita sa boy friend ko, sabay tayong mag-lunch”, aking paanyaya sa kanya.

Subali’t hindi na sila nagkatagpo ng aking kasintahan noong araw na iyon sapagka’t maagang pumasok ang aking inay sa kanyang trabaho at medyo tanghali na ng makarating sa Maynila ang aking boy friend na nanggaling pa sa Laguna.

Simula noon…

Lagi akong tinatanong ng nanay kung saan ang rampa ko. Tuwing Sabado ay alam na kaagad niya na laman ako ng Malate. May mga okasyon pa nga na sumasama siya sa gimik naming magbabarkada sa mga bars.

Naaalala ko pa noong bata ako…

Tuwing tinatawag akong bakla dahil medyo malamya nga akong kumilos, lagi akong tumatanggi. Hindi ko naman talaga masabi kung ano ba talaga ako. Mangmang pa ang aking isipan sa mga bagay bagay ukol sa aking kasarian. Lagi pa nga akong nakikipag-away na minsan ay humahantong sa baranggayan. Sa kabila ng lahat, wala ng ginawa ang aking inay kung hindi ipagtanggol ako sa mga taong iyon.

Sinubukan kong mamuhay na parang tunay na lalaki. Sumasama ako sa tiyuhin ko sa ibang bayan para magkabit ng kable ng kuryente. Nagpipintura at nagkakarpentero din ako kasama ang aking tatay. Nagmahal din naman ako ng babae. Lahat iyon ay nagawa ko na. Nguni’t hindi pa rin ako nasiyahan. Hindi ako ito. Ibang mundo ang nais kong galawan…

Ngayon….

Masaya ako bilang ako…

Tanungin man ako kung bakla ako…

Wala akong pakialam sa sasabihin ng lahat ng tao…

Taas noo akong maglalakad

…na may pilantik ng daliri

…may konting kembot

…sabay sabi ng:

“Yes marse… ECHOS!”

Dear Kuya: My First Bisexual Buddy

Friday, July 11, 2008

Dear Kuya Yffar,

I just want to share how I met my first boy friend and kung paano ako naintroduce sa mundo ng Bisexuality. It happened noong first year college pa lang ako sa Letran. Laboratory Class namin yun tapos ako ang last person to go out of the room kasi may mga inayos pa akong mga gamit. Out of my knowledge, may nag-aabang pala sa akin sa hagdan. Si Jay, hindi niya totoong pangalan. Kinorner nya ako sa pader then niyakap niya ako bago hinalikan. Sa pagkabigla ko, nasapak ko siya at tinanong ko kung bakla ba siya kasi sa pagkakaalam ko ay may girl friend siya noong mga panahong yun. Inamin niya sa akin na matagal na niya akong gusto at noon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin at iparamdam sa akin.

After niyang sabihin sa akin yun, derecho na siyang umalis. Nung umuwi ako sa dorm ng mga ka-varsity ko. Nakahiga akong tuliro at balisa. Naguguluhan dahil nung hinalikan niya ako, parang may “spark”. Nararamdaman ko pa rin ang halik niya. Sa kakaisip tungkol sa kanya, unti-unti na lamang akong nakatulog.

Kinabukasan, mga 9am at practice naming mga varsity. Nagpunta ako ng gym para magpalit ng damit. Pagkabukas ko ng locker ko, may nakita akong rose at may note na, “meet tayo outside ng gym”. Lumabas ako ng gym gaya ng instruction sa letter, at nandoon nga si Jay. Nilapitan niya ako tapos sinout niya sa left paa ko ang anklet na may combination ng mga kulay na pula na sumisimbolo ng kanyang puso, puti para sa purity ng nararamdaman nya para sa akin, at kulay blue na nagpapakita ng maharlikang pangtrato siya sa akin. Tinanong niya ako kung maari akong maging boy friend niya. Sa curiosity ko, kaya sinagot ko siya at nagging kami nga.

Since then, lagi na kaming sabay kumain at naghihintay siya sa akin kapag matatapos na akong magpractice. And siyempre nanood kami ng movies na kaming dalawa lang. Umabot kami ng mahigit isang taon. Hindi kami nagtagal sa kadahilanang kailangan na niyang magmigrate sa Canada kasama ng kanyang family. Malungkot at matinding iyakan ang nagyari.

One week bago siya umalis, Nagdinner kami sa Antipolo. Kitang-kita namin ang mga ilaw ng Metro Manila. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko noong gabing ‘yon dahil kasama ko siya subali’t sa kabila ng aking isipan ay ang kanyang paglayo.

Tuluyan na nga kaming nagkahiwalay. Nagcha-chat at nagpapadala kami ng e-mails sa isa’t isa sa loob ng dalawang buwan. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nagdesisyon na itigil na ang relasyong namamagitan sa aming dalawa.

Magkaiba na ang landas naming tinatahak. Ako ngayo’y may bago ng nobyo at nagsisikap sa pag-aaral. Ang huing narinig ko sa kanya’y mayroon na siyang sariling pamilya at may dalawang anak.

Ito ang istorya ng aking unang pag-ibig sa kapwa lalaki. Masaya sa simula subali’t hindi happy ang ending. Pero kahit ganun, sobrang memorable at hinding hindi ko malilumutan kalian man.
Lubos na Gumagalang,

Steve

Piolo & Sam

Wednesday, July 9, 2008

I saw this picture of Piolo Pascual & Sam Milby habang nagsusurf ng pictures nilang dalawa. Obvious naman na edited eh hehehehe. Magkaholding hands pa di ba. Infairness. Mukhang totoo.
On the other hand, if kalahi man sila oh hindi, wala naman tayong karatapan na hushagan sila. That's what we call gender sensitivity. Hindi lahat ng mga badetchi ay gustong ipakita sa buong mundo na badetchi sila. Respect lang naman di bah.
Pero if totoo man na sila nga, tarush, ang asteeg ng combination at bagay sila. Chika lang.

Ang Lihim ni Antonio

Saturday, July 5, 2008

This summary is not available. Please click here to view the post.

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online