New Blog Site (Click here):

Rosas (Part 2)

Thursday, September 25, 2008

paunawa: bago basahin ang part 1 bago basahin ang akdang ito..



Monthsary na namin bukas. At alam kong parehas naming hinihintay ang araw na ito sapagka’t magkakalahating taon na rin kami ni James. Naalala ko pa nga noong una kaming magkita, hindi ko naialis ang aking mga mata sa kanya dahil sa una pa lang naming pagkikita ay minahal ko na siya.

Pitong buwan na ang nakalipas, nang sinamahan ako ng aking best friend na si Niel sa isang bar sa Cubao upang gumimik dahil unang sweldo ko sa una kong trabaho. Malapit ito sa lugar na aking pinapasukan bilang isang call center agent. Nagbabalik sa aking gunita kung paano ko siya unang nakilala…

“Is this seat taken?”, tanong ko sa isang lalaking nakaupong mag-isa sa loob ng bar at may hawak na beer.

“No”, tugon niya na may kasamang ngiti sa kanyang mga labi, lumabas rin ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Sa sobrang dami ng mga tao sa bar ay hindi maiiwasang makitabi sa mga taong hindi mo kakilala. Iniwan ako ni Niel sapagka’t may nakilala siyang guwapong lalaki at naroon siya ngayon sa dancefloor, sumasayaw kasama ng natipuhan niyang lalaki. Habang nakatingin kay Niel ay inalok ako ng katabi ko.

“Tol, yosi?”

At inabot niya sa akin ang isang kahang sigarilyo. Kumuha ako ng isa at sinindihan. Hindi naman talaga ako naninigarilyo, natutunan ko lamang ito sa trabaho. Halos lahat sila ay nagyoyosi sa kanilang break, kaya nga nila ito tinawag na Yosi Break. Sa aking mga lunch break, at 15 minutes break, kape’t yosi ang aking pampagising. Night shift kasi, kailangang labanan ang antok. Natuwa ako sa lalaking nag-alok sa akin ng yosi. Kaya tinanong ko ang kanyang pangalan.

“I’m James, and you are?”, pabalik niyang tanong sa akin.

“ I’m Max”, gaya ng nakagawian, lagi kong binibigay ang aking pekeng pangalan, hindi ko binibigay ang ang totoo kong pangalan kapag nakikipagkilala sa mga taong hindi ko kilala. Hindi ako kaagad nagtitiwala sa mga nakapaligid sa akin. Mahirap na. Kahit na nagugustuhan ko na si James, hindi ako nagdadalawang isip na bigyan siya ng mga hindi totoong impormasyon ukol sa aking totoong pagkatao.

Nagkuwentuhan kami ni James sa loob ng ilang minuto, kahit hindi pa kami magkakilala, kami’y nagkapalagayan na ng loob. Natuwa ako sa kanya, hindi man ubod ng katalinuhan kagaya ng hinahanap ko sa isang lalaki, ay masasabi ko namang may sense siya kausap. Inabot niya sa akin ang kanyang ID. Lalo akong natuwa sa kanya. Totoong pangalan pala niya ang binigay niya sa akin, maging ang lahat ng detalye gaya ng kung saan siya nakatira ay akma sa kung ano lahat ng sinabi niya sa akin. Nanlumo ako at hindi ko muna binigay ang aking ID. Sa susunod na lamang ako magbubunyag ng kung ano talaga ang aking tunay na pagkatao.

Sa sobrang dami na ng mga tao sa loob ng bar ay nagpasya kaming lumabas. Doon ay nagpatuloy kami sa aming pag-uusap at nagsindi ulit ng tig-isang piraso ng sigarilyo.

“Gaano ka na katagal sa call center?”, tanong niya sa akin.

“Hmmm.. Mag-iisang buwan na. Iba pa yung training”

“Mahirap ba?”

“Sa simula medyo, kung hindi ka pa sanay, pero pag tumagal ka na, it would be easier.”

“Eh di puyat ka palagi”

“Sanayan lang yan. Di ba nga sabi ko sayo, sa simula lang mahirap.”

Mukhang interesado si James sa akin, unti-unti, hindi ko mapigilang maramdaman ko ring nais ko pa siyang kilalanin. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang lumabas si Niel at humahangos.

“Best!”, pahingal niyang paglapit sa akin.

“Oh, bakit? Napano ka?!”

“Nanakawan ako ng cellphone. Pati wallet ko nanenok rin. Pagkakapa ko sa bulsa ko WIS na.”

“Shit! Ang landi mo kasi eh. Nakarma ka tuloy. Namukhaan mo ba kung sinong nandukot sayo?”

“Maraming tao, malay ko kung sinech donchells! Best, anong gagawin ko, patay ako sa mudra ko nitey…”

“Eh di sabihin mo ang totoo”

“Baklang to, anong isplukelya ko, nag-bar akes, nakipagharutan, tapos nadukutan. ”

“Eh di sabihin mo na-snatch”

“hay, pwede na siguro yun. Uy sino siya?”, pabaling niya kay James at nag-beautiful eyes.

“Si James nga pala, just met him a while ago. James, this is Neil, bestfriend ko”, pinakilala ko sila sa isa’t isa. Nakipagkamay si Niel kay James. Medyo ayaw bitawan ni Niel ang kamay ni James, pero pinagkalas ko ang kanilang mga kamay. Napapangisi na lamang si James sa ginagawa ni Niel sa kanya.

“Uy, booking…” pabirong banat ni Niel sa akin.

“Baklang toh, umuwi ka na nga”, pakunwari kong ipinagtabuyan si Niel. Sa likod ng aking isipan ay nais ko na ring mapag-isa kami ni James.

Medyo nahihiya pa si Niel, pero pasimple niya akong binulungan ng, “Oh siya best, pautang naman akechi oh, kahit one hash lang. Pangjumasay sa jepelya. Kesa naman mag-walkaton ang lola mes.”

Pagka-abot ko kay Niel ng one hundred peso bill ay kinuha niya ng pilit ng number ni James. Hay naku. Napakakulit talaga ng best friend kong ito. Hindi pa man nakakalayo si Niel ay lumingon siya , “James, text-text tayo ah, babush”.

Nilapitan ko si James at nanghingi ng paumanhin, “Pasensya ka na sa bestfriend ko ah. Ganun lang talaga yun.”

“Ok lang yun, sanay na ako sa mga ganyang pangungulit. Hehehe.”, tugon sa akin ni James habang nakangiti.

Mag-aala-una na ng umaga at medyo malayo pa ang aking uuwian. Wala naman akong pasok bukas kaya maari akong magtagal sa galaan hanggang gusto ko. Tinanong ako ni James kung gusto kong tumuloy muna sa kanila sandali upang magpahinga. Wala ang kasama niyang umuupa ng kwarto dahil umuuwi yun sa kanila kapag Sabado at bumabalik lamang ng Linggo ng gabi. Hindi ko na nahindian si James at nagtungo kami sa kanilang boarding house. Una’y nag tricycle kami at bumaba sa isang kanto. Isang maliit na eskinita ang aming nilakaran. Nakakatakot dahil medyo madilim at baka may mga masasamang loob na humarang sa amin. Walang ilaw sa kalsadang dinaanan namin, mabuti na lamang at bilog na bilog ang buwan at siyang nagsilbing ilaw sa aming dinaraanan.

Nakarating na nga kami sa bahay nila James. Hindi ito kalakihan gaya ng inuupahan ko sa Vito Cruz. Ang namamagitan lamang sa bawat silid ay plywood. Iisang banyo lamang ang pinaghahatian ng apat na kuwarto sa nasabing lugar.

“Sorry ah, medyo maliit lang tong tinutuluyan ko. Pinagkakasya ko kasi yung budget ko. Di kasi kalakihan ang suweldo ng crew sa department store. Kapag naghanap pa ako ng mas malaki, mas mahal na kasi babayaran ko.”

“Wala ka namang dapat ihingi ng apology. Ako nga tong makikitulog eh, and one more thing. Wala kang dapat ikahiya ‘no”

Naghubad ako ng sapatos at inalis ang aking jacket. Hindi ko na tinanggal ang aking t-shirt at pantalon kasi medyo nahihiya pa ako kay James. Pinagkasya namin ang aming mga sarili sa isang maliit na kama. Ang tanging nagbibigay lamig ay isang maliit na electric fan. Mainit pa rin at hindi na ako nakatiis pa. Hinubad ko na ang aking t-shirt. Ganun rin si James, pero may natira pa sa kanyang sandong puti at boxers. Makakatulog na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Bumangon ako at binasa ito.

“Kuya, what time ka uuwi?”, text sa akin ni Dave. Hindi nga pala ako nakapagpaalam na hindi ako uuwi ngayon.

“Tomorrow pa bro, I’m in my friend’s house”. Reply ko kay Dave.

Binitawan ko ang ang cellphone at nahiga uli. Tumagilid ako at pinagmasdan si James. Tulog na tulog siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Sa sobrang pagkamangha ay dahan-dahan kong idinampi ang aking mga labi sa kanyang pisngi. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon at nagtagpo ang aming mga labi. Dumilat ang kanyang mga mata. Gising pa pala si James. Sa sobrang hiya ko ay napatalikod ako sa kanya. Kinakabahan ako na baka magalit siya sa akin. Pero hindi pala, bigla niya akong niyakap patalikod. Mahigpit na mahigpit. Alam ko na at aking nabatid na gusto rin ako ni James kaya humarap ako muli sa kanya. Magkatapat ang aming mga ilong at nagpang-abot ang aming mga labi. Naramdaman ko ang kanyang kanang kamay na nakakahawak sa aking batok, at unti-unting umakyat sa aking ulo, gumanti rin ako ng paglalagay ng kamay sa kanyang ulo at pinagdikit lalo ang aming mga labi. Pinagpapawisan na kami kaya inalis ko ang kanyang natitirang sando. Siya nama’y ibinaba ang aking maong na pantalon at naiwan na lamang ang aking panloob. Naglakbay ang aming mga kamay at tila kinakabisa ng aming mga palad ang aming mga katawan. Hindi naglaon ay inalis na namin ang mga natitirang saplot sa katawan. Aalisin ko na sana ang aking brief nang biglang tumunog ang cellphone ni James. Paulit-ulit. Nakakabingi. Nang tingnan ito ni James ay hindi nakarehistro ang numero sa kanyang phonebook. Pero mukhang pamilyar sa akin ang numerong ito. Hindi ako maaring magkamali at sinagot ko ang tawag na ito.

“NIEL!?!” Bungad ko sa tumatawag…

“James? Teka, you’re not James, kaboses mo si….”, tama ako. Si Niel nga ang lalaking tumatawag.

“Oo ako nga toh best, ano bang ginagawa mo?!’

“Uy best! Bakit masama bang tumawag aber?! Unless…”

“Hay naku..”

“wait, wait, wait, at anong ginagawa mo dyan kina James? Hmmm..”
“Ah basta…”

“Uy.. gumagawa ng baby…”

“Hindi no…”

“Huwag ka na magdeny mare. Ligwak ka na sa lie detector test noh!

“Sinabi nang…”

“Oh siya, sabi na nga ba eh. Booking ito. Kakaririn ko sana si Pogi, naunahan mo na pala akes. Goodnight!”

Binabaan ako ni Niel ng telepono. Kaya pala niya kinuha ang numero ni James, para tawagan. Nawala na ako sa ginagawa ko. Pambihira. Istorbo si Niel. Nang balikan ko si James ay nakatikod na ito. Niyakap ko na lamang siya at nakatulog na kaming dalawa.



Mahimbing...


Magkayakap...


Magdamag...




Ang bata… nagpakita na naman sa aking panaginip… lumuha ako sa aking paggising... dahil sa bata... nguni't bakit?

(itutuloy)


18 comments:

yffar said...

sa wakas... nakapagpost din ng ROSAS part 2 after all the Rainbow Bloggers Philippines planning

hays....

i kinda changed the mood...

hays...

anyways...

hope u'll enjoy it...

Mikkoi said...

kainis si niel! nabitin ako! hahahahaha!

@mikkoi

:p

kailangan ko lang na ilagay si Niel to add up the color

kaloka

kabitin

ituloy

@bryan

hehehehe... may next episode pa naman eh

IKAW ANG HARI ESTE REYNA NG PAMBIBITIN!

sabi na dapat hindi ko binasa to eh. tinitiis kong wag basahin.

nacurious lang tlga ako kaya binasa ko 1 and 2.

ang ending... nabitin ako.

rawr!

@looking for the source...

kaya nga serye eh

wahahahha

kiel said...

ano bang bata na yan?! very the ring. yung gay porn version!

@kiel
hahah

the grudge...

jericho said...

kaines na neil. istorbo. hehehe

Anonymous said...

kabaklaan.
kabaklaan.
kabaklaan.
kabaklaan.

Yffar (^^,) said...

@jericho

hehehe

yan ang purpose nya..

Yffar (^^,) said...

@anonymous

is that a positive or negative feedback?!

hmp

prinsesamusang said...

ituloy na yan!

alex said...

hi yffar!!!! musta!

by the way can you change my url leviuqse.blogspot.com (retarded's notebook) to www.retardedsnotebook.com on your linklist??

thanks thanks thanks!

john said...

ang ganda ,maxado ng story. pero san ang pang dogtong nabitin tuloy ako

RONeiluke, RN said...

off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)

http://kundiman.net/ekwentomo-entries/

LhanDz said...

bitin!

hehehe..

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online