paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 5
"Nagbalik ka na!". Sa labis na pagkasibik ko kay Miguel ay niyakap ko siya nang sobrang higpit. Nguni't ano ito? May napansin kaagad ako nang maglapait kaming dalawa. Iba ang amoy ng pabango niya. Hindi ito ang paboritong amoy ng pabango ni Miguel. Humarap siya sa akin at nagitla ako sa aking nakita. Hindi siya si Miguel. Pamilyar ang mukha niya subali't hindi talaga ito si Miguel! Tama... Naaalala ko na.. siya si...
"Huh?! Dave?!" agad kong tanong sa kanya at lumayo ng bahagya... "Anong ibig sabihin nito?!"
"Whoah! Cooldown Macky..", at inabot niya sa akin ang isang stuffed toy na rabbit "Here's Micky, ang rabbit nyo ni Miguel, at least this one won't die unlike the real thing.."
Hindi ko ito tinanggap at sa sobrang pagkainis ay naitapon ko ito pababa. Bakit alam niya ang tungkol kay Micky? At bakit siya ang naririto at hindi si Miguel. Gusto ko nang suntukin si Dave at nanggigigil na ang aking mga kamay. "Nasaan si Miguel?! At bakit gamit mo ang number niya?!".
Pinulot ni Dave ang stuffed toy at hinawakan muna sandali. "Macky, let me explain first..."
Hindi ko na siya pinatapos ng kung anuman ang sasabihin niya at naglakad ako papalayo sa kanya. Pinaglalaruan ba ako nitong si Dave? Oh mas masahol pa, pinaglalaruan lamang ba ako ng magpinsan! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at patuloy akong naglalakad papalayo.
Naramdaman kong sumunod sa akin si Dave sakay ng motor. Nag-overtake siya at hinarangan ang aking daraanan. Tumalikod ako upang iwasan siya nguni't hinawakan niya ang aking balikat at nagwikang, "Hey, sandali lang... You really are what Miguel told me. Napaka-impulsive mo. Pwede pagsalitain mo muna ako?"
"At anong kailangan kong malaman mula sa'yo?! Galit ako sa'yo Dave! Although hindi pa kita ganun kakilala and ang alam ko lamang eh pinsan ka ni Miguel. What the hell are you doing here anyway!", pagalit kong bulalas kay Dave.
"Miguel is still in Australia, but before he left. May hinabilin lang siya sa akin... Ikaw..", sagot sa akin ni Dave.
Namumutawi pa rin sa akin ang pagkadismaya, "At bakit ako hahabilin sayo ni Miguel, aber? Ano ako? Bata! At ano ka? Yaya?! Joke ba toh? Kasi hindi nakakatuwa! Bullshit! Lumayo ka nga sa harap ko at baka maupakan kita!"
"Cheer up Macky, Miguel did this for you. Can't you see, he loves you so much that he sent me to take care of you... I'm just doing a favor for Miguel". Inabot pa rin niya sa akin ang stuffed toy na rabbit. Huminga ako ng mamalim. Tinanggap ko ito. Baka nga naman may mahalagang sasabihin sa akin si Dave at pinaiiral ko lamang ang galit sa aking dibdib. Ganun naman talaga ang tao, kapag muhing-muhi, nawawala sa sarili. Pinagmasdan ko muna ang stuffed toy, oo nga, kahawig nga ni Micky, ang rabbit namin ni Miguel. Napatingin ako kay Dave at nakita kong nakangiti siya sa akin. "Now, can I explain?"
Pabuntunghininga kong sinabi ang, "Ano pa nga ba.."
"Before Miguel left for Australia, nag-usap muna kami. He wants someone na babantayan ka habang wala siya. I'm not here to replace Miguel, hehehe, as of now, siguro proxy muna kasi he will be very busy doing a lot of things during his stay sa Australia. Siguro I will just accompany you sa mga school works mo na ginagawa ni Miguel for you. Pero I'm warning you, hindi ako kasing talino ni Miguel... Alam ng lahat na he's genius... Pero ang lamang ko lang sa kanya eh looks and kapal ng mukha..." at ito na nga ang pagpapaliwanag ni Dave sa akin. Medyo mahangin din kahit papaano, pero sa tingin ko pinapatawa lamang niya ako dahil alam niyang naiinis ako sa ginawa niya.
"So alam mo....?" hindi ko napigilang magtanong kay Dave.
"I know everything... na kayo and how Miguel loves you? Tinago ko lahat sa pamilya namin, kasi katulad niyo rin ako. We both kept our secrets. Wala naman akong ibang mapagsabihan ng pagkatao ko kundi si Miguel. Kaya we promised to each other. Remember the night na nakita ko kayo sa bar?", at unti-unting nagbalik sa aking ala-ala ang lahat, " Tinatawagan ko si Miguel to confirm what happened that night. After mong umuwi the day after makita ko kayo sa bar, Miguel didn't buy anything that morning, nagkita kami. Nagconfess ako sa kanya kung ano ako, and siya, ganun rin. That was our vow. Kaya wag kang magalit sa akin. wala akong intensyong masama sa yo... Kasi you're Miguel's love interest."
Matapos sabihin ni Dave ang kanyang paliwanag ay medyo naging kampante ako sa kanya at napalagay ang aking loob. Pero marami pa rin akong katanungan... "Ang rose? Siya ba ang nagbigay nun? Yung sulat, alam kong sa kanya sulat-kamay yun. Bakit nasayo yung motor and cellphone niya?"
"Isa-isa lang. Ang dami mong questions. Una, yung rose na may note, kasama yan ng stuffed toy. That was a package from Australia, he wants me to give it to you kasi hindi naman niya pwedeng ipadala sa house nyo, right? Pinabibigay niya sayo. Special delivery from me. Pinalabas ko lang na ako si Miguel by texting you using his number para sure na magpunta ka. Then, yung motor and cellphone, he gave it to me. He can't bring it to Australia so inarbor ko na lang sa kanya. Anymore question Mr. Macky Acosta?" At alam niya talaga pati ang apelido ko. Mukhang lagi nga akong naikukuwento ni Miguel kay Dave. Matapos itong sabihin ay ngumiti na naman si Dave sa akin. Kagaya ng iniisip ko noong unang makita ko siya sa friendster account ni Miguel, gwapo nga talaga siya. Parehas silang magpinsan na may itsura. Hindi mo maitatagong magkamag-anak nga naman sila.
Inaya ako ni Dave na sumakay sa motor. Hindi kagaya ng ginagawa ko kay Miguel, hindi ko magawang hawakan ang likod ni Dave at mayakap. Una dahil nandito ako sa Maynila at makikita ako ng mga makakakilala sa akin, pangalawa, hindi siya si Miguel na nakasanayan kong kapitan upang makakuha ng balanse. Bumaba kami sa isang coffee shop na matatagpuan sa isang building sa Vito Cruz. Hindi ako mahilig sa kape kaya cold mocha na lamang ang inorder ko at si Dave naman ay mainit na kape ang binili. Kagaya ni Miguel ay hindi rin ako hinayaang bayaran ang mga mga inorder ko. Naupo kami sa labas ng nasabing coffee shop. Nagkwentuhan kami at hindi ko napansin na marami-rami na pala kaming napag-uusapan. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang patawanin ako. Siyempre ang topic, si Miguel. Unti-unti ay nakalimutan ko ang mga nangyari kanina. Kung pagkukumparahin silang dalawa, si Miguel and tipong tahimik at malalim na tao at si Dave naman ang kanyang kabaligtaran, kwela at ubod ng kulit. Maggagabi na nang matapos ang aming usapan.
"Pwede ba kitang ihatid sa inyo... It's a part of our bargain to keep you safe." alok sa akin ni Dave... natawa na lang ako sa kanya at sumagot ng "Hindi na, kaya ko na ang sarili ko..."
Nakalabas na kami ng coffee shop nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Dali-dali kaming bumalik papasok at basang basa dahil sa hindi inaasahang pag-ulan... Tiningnan ko ang laman ng aking bag at hinanap ang payong na dinala ko.
"Shit!", bigla kong nabanggkit
"Bakit? anong nangyari?", tanong ni Dave.
"Yung payong ko naiwan sa mall kanina. Wala akong gagamitin", natataranta kong tugon kay Dave.
"Well, what can be worst than that? Ang swerte mo naman.... Hahahaha", pabirong banat sa akin ni Dave.
"Hindi oras para magtawanan... paano ako makakauwi niyan..." Hindi pa rin ako mapakali... Bukod sa wala na akong payong, basang-basa pa ang aking mga damit. Magkakasakit ako nito. Grabe naman itong araw na ito. Naunsiyame na nga ang inaakala kong pagkikita namin ni Miguel, tapos medyo minalas pa ata ako... Biglang kinuha ni Dave ang bitbit kong bag at inanyayahan ako..
"if you want, magpatila ka muna ng ulan sa amin.. Magpatuyo ka muna ng damit at rest. Pag tumigil ang ulan, i'll let you go home."
"at paano kung hindi tumigil ang ulan?" kantyaw ko sa kanya.
"the last resort would be buying you a new umbrella or you can ride a cab pauwi", tugon niya sa akin...
"teka... pano tayo pupunta sa inyo? tatakbo tayo sa ulan? magmomotor papuntang bahay niyo? saan ka ba nakatira".... tinanong ko siya ng paulit-ulit.
Itinuro ni Dave ang gusaling kinatatayuan mismo namin.
"Dito, sa 23rd floor. I live here. Nasa taas yung condo unit namin ng kuya ko. Tara... Let's take the elevator sa right side ng building na toh. "
(itutuloy...)
25 comments:
ayan.. pede na ko matulog..
to anonymous:
nilakihan ko na font para sayo...
to all...
enjoy reading...
baka sabihan nyong malandi yung character... hehehehe...
sabi ko na nga ba... hndi si Miguel yun! hehehe
omg! interesting ang scene na 'to... may proxy agad c Miguel...nyahaha-- ano kaya mangyayari sa 23rd floor???
ingats yffar!
grabe naman yun. ang awkward naman nun, ipabantay sa pinsan... maaagaw pa yan haahahaha
ay!!! i could feel a sudden twist of events. hahahaha!
ang ganda ganda mo naman yffar! poinababantayan ka pa! bongga ka!
@veradik
taray ng hula... heheh
expected naman kasi na hindi yun si miguel....
@odin hood
wait mo kung bakit pinabantayan... hahaha
@mikkoi..
gusto nila ng twist eh... eh di bigyan.. hehehe
hmmmm.. ok.. tapos tapos.. ano kaya ang mangyayari.. mahuihulog kaya loob ni macky kay dave? lolz
ay naku - nakikita ko na - haliparot talaga itong si macky.
pero feel ko yung eksena na walk-out tapos hahabulin ng lalaking naka-motor. very hollywood!
@hannah
abangan... :D hihihih
@kiel
haliparot??? pwede rin..
kalerkey si bakla! dalawang gwapong magpinsan ah!
Ay nako walang syota ng pinsan sa tawag ng libog noh!
@wilberchie
:D libog talaga ng term ah... hehehe
alam mo nmn ako raffy diba comment muna...
kasi nmn may nakita n nmn ako sa dulo...
ampotek tlga.. kelangan mamaya meron na yan ha...
grrr!
kainis ha. bitin..
hmmm..
magshare ka nmn jan. grabe nmn. dala-dalawa! nyahahaha
@looking for the source
hehehe.. as always ka naman eh..
hehehe
Ang galing naman. Hehe. Dapat gumawa ka na ng novel. Hehe.
@bino/geno
baka hindi maging mabenta.. sayang naman....
hi raffy!
im here! but im not really back! dumadalaw lang sa blogosphere..
dame mo new entries. bsahain ko pag-uwe ko samen.. (--,)
@chyng
hehehe...
ala ka pa pala sa pinas... :)
Oi Yffar, talagang nilakihan mo font noh?! hehehe.Anyway, salamat.
wahhahaha... Ngayun lang ako ulit nakabisita sa site mo. BZ- BZian sa skul. Paganda ng paganda ang story. Hintay ko susunod.
@anonymous
kaw nag ask na palakihin yung font..
hahahahahah
you impress me, man. great work.
ang haba ng hair ng macky ... pwede bang makilala ang kuya ni dave? hahaha
@anonymous1
you asked for it.. kaya nilakihan ko font
@anonymous2
thanks!
out na po ang larawan part 7...
Post a Comment