paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 8.
Hinawakan ko ng mahigpit ang pahayagan. Halos mapunit ito sa sobrang pagkakakapit ng aking mga daliri sa mga pahina. Dahan-dahang lumuluha. Binuklat at binasa kong muli ang nilalaman...
“Eduard Miguel De Jesus”
“ May 14, 1985 to September 29, 2007”
Alam ko ang pangalang ito. Hindi ako maaring magkamali. Ito nga si Miguel. Eduard Miguel De Jesus ang kanyang tunay na pangalan, dahil hindi inilagay ng kanyang ina ang apelido ng kanyang Australyanong ama sa kanyang birth certificate. May kasama ring larawan ni Miguel ang nakalagay sa nasabing pahina ng pahayagan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang labis na paghikbi. Ang taong unang nagpatibok ng tunay na pagmamahal sa aking puso, wala na. At hindi ko na pala siya makakasamang muli gaya ng ipinangako niya sa akin. Bumaling ako kay Dave.
"Dave! Magtapat ka! Alam kong alam mo ang totoo! Patay na si Miguel!? Pinagmukha mo akong tanga Dave! Alam mong patay na si Miguel pero itinago mo sa akin ang bagay na 'to! How could you?! How could you!", pagalit kong bigkas kay Dave at sa labis na pagdadalamhati ay naihagis ko sa kanya ang dyaryong hawak ko. Hindi siya umiwas. Tumama sa kanyang mukha ang luku't lukot na payagan subali't siya'y nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatungo. Walang imik. Napansin kong lumuluha rin siya. Niyakap niya ako habang umiiyak.
"I'm very sorry Macky. I didn't mean to", hindi ko magawang tingnan si Dave, nakatingala lamang ako sa dingding. Pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan at pinakikinggan ang pagtibok ng aking puso habang nagsasalita si Dave. " Yes, I know everything. Until his last breath, i kept a promise for him. And that is to keep you away from knowing the fact that he is dead. Until now that you unexpectedly learned the truth. Ayaw niyang masaktan ka Macky. I did him a favor, a dying man's request..."
Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Akala ko ba'y nakalimutan ko na si Miguel at makakaya ko na siyang hayaang manatili sa aking nakaraan. Subali't ako'y nagkamali. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin pala siya na siyang lalong nagpahirap sa aking pagtanggap na wala na si Miguel. Naupo ako sandali. Hindi pa rin natitigil ang pagluha ng aking mga mata. Inabutan ako ni Dave ng isang basong tubig. Ininom ko ito. Dahan-dahan. Pumipikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking lalamunan. Nguni't sa halip na kadiliman ang makita ko ay imahe ni Miguel ang lumalabas.
Unti-unti ay nagawa ko ng makapagsalita..."Dave, I need an explanation... Please. Nagmamakaawa ako Dave. kailangan kong malaman ang lahat."
Kinuha ni Dave ang panyo mula sa kanyang bulsa upang punasan ang aking mga luha. Inilagay niya ang panyo sa aking mga kamay upang ako na ang magtangal ng mga natirang luha sa pisngi. At nagsalita na si Dave.
"Instead of you, ako ang sumama kay Miguel sa airport. Three hours before his flight we were there. Pero I can see in his face na balisang-balisa siya. Tinanong ko siya if there is something wrong but there's no reply. Magdadalawang oras na and hindi pa rin siya mapakali... Hindi ko na kayang tiisin ang ikikilos ni Miguel kaya tinanong ko siya sa huling pagkakataon. 'Si Macky ba?' at sumagot siya ng oo. And he did not utter anything again. Nahihirapan siya subali't kailangan niyang lumisan papuntang Australia. One hour before his flight schedule. Inaya niya akong lumabas. I asked him why, he did not respond, and we went out of the airport. Nagsulat siya sa isang maliit na papel and he told me to contact you and give you the sheet of paper."
Nagpatuloy si Dave at nakinig na lamang ako sa kanyang isinasalaysay...
"We went our separate ways . Umuwi muna siya ng Laguna to leave his things, send an e-mail to his dad na hindi na siya tutuloy sa Australia kasi he decided to stay, and ako, I went to Manila to fetch you... Nais ka niyang sorpresahin na hindi na siya aalis. Naisipan niyang magmotor na lamang papunta sa Manila para magkita kayo. Malapit na ako sa inyo when I received a call asking me if I am the cousin of Mr. Eduard Miguel De Jesus. The news came in, sinugod siya sa hospital due to an accident and he is in a critical situation. Sa halip na pumunta pa ako sa inyo at ipagtanong kung saan ka talaga nakatira, I rushed to the said hospital. I saw Miguel covered with blood. I tried talking with Miguel. He told me, 'Please take care of Macky for me...'. Hinawakan ko ang duguan niyang mga kamay. Ang huling sinabi niya ay 'Tell Macky how much I love him'. Wala na akong narinig pa galing sa kanya. Pinalabas na ako ng ward at naghintay" Habang sinasabi ito ni Dave ay nangingilid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang kanyang emosyon. Hindi lamang ako ang may matinding pagdadalamhati, ganun rin si Dave.
"Iniabot sa akin ng nurse ang narecover na cellphone ni Miguel. Napansin kong tumatawag ka. Hindi ko ito sinagot upang hindi mo malaman muna ang nangyari kay Miguel sa pag-asang malalampasan niya ang nangyari sa kanya. Ayokong mataranta ka. Nguni't wala pang ilang sandali ay pinatawag ako ng doktora. Wala na si Miguel. Patay na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumala't na ang balita maging sa telebisyon hinggil sa nangyaring aksidente dahil nalaman kong may mga media na dumating. Ilang sagli't pa ay narinig kong tumatawag ka. Ang akala ko ay nabalitaan mo na ang nangyari. Pero hindi ko pa rin ito sinagot sa sobrang kaba ko."
Nagitla ako sa aking narinig at nagbalik sa akin ang lahat. Si Miguel nga. Siya nga ang lalaking napanood kong naaksidente subali't inilipat ko agad ang estasyon ng telebisyon dahil sa ayaw kong makarinig ng ganoong klaseng balita. Napakalaki kong hangal! Hindi ko man lamang namalayan na nawala na pala sa akin ang taong mahal ko dahil sa katangahang pinairal noong gabing akala ko'y pag-alis ni Miguel papuntang Australia. Nagawa ko pang magpakalango sa alak ng mga sandaling iyon. Muli ay hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni Dave habang siya ay umiiyak rin. Wala na akong ganang tapusin pa ang aking proyekto.
"Naalala mo ang sulat na ibinigay ko sa'yo noong una tayong magkita? Iyon ang sulat na ibinigay sa akin ni Miguel. Kaya napansin mong sulat niya iyon. Ang stuffed toy na rabbit ay siya talaga ang bumili, regalo niya sa iyo na ipapabigay niya sana sayo pagka-alis niya. Sa kanya nanggaling ang lahat Macky, pinalabas ko lang na sa package ito galing sa Australia. I'm sorry Macky, I had to lie... Forgive me." Pagpapatuloy ni Dave habang yakap-yakap ako.
"Samahan mo ako Dave, bukas na bukas din aalis tayo".
Nagpasya akong puntahan ang kinahihimlayan ni Miguel at sinamahan ako ni Dave. Ito ang hiling ng ina ni Miguel, na ilibing siya sa kanilang bayan. Hindi ako pumasok sa aking mga klase masilayan lamang ang puntod ni Miguel. Nagpaalam ako kay mama at ang sabi ko ay may class outing kami. Ayokong magsinungaling kay mama subali't kailangan. Hindi pa panahon na malaman ng aking pamilya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sinagot ni Dave ang aking pamasahe papuntang Legaspi City, Albay. Napatawad ko na rin si Dave sa pagpapanggap niya. Alam ko naman na hindi niya ito ginawa upang paglaruan lamang ako, bagkus, ginawa niya ito para kay Miguel. Mahaba-habang biyahe ito subali't kailangan ko itong landasin alang-alang sa isang sandaling makadalaw ako sa puntod ni Miguel...
Tinungo namin kaagad ang sementeryo. Wala masyadong tao, mangilan-ngilan lamang na dumadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay, at ang supulturero na nagtatabas ng damo. Itinuro sa akin ni Dave ang puntod ni Miguel. Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daan, wala pang araw ng mga patay, hindi pa masyadong nalilinisan. Madali naman namin itong natunton dahil hindi kalayuan sa pangunahing tarangkahan.
Tumayo muna ako sandali. Pinagmasdan ang lapida. Nakaukit ang pangalang Eduard Miguel De Jesus kasama ng kanyang araw ng kapanganakan at kamatayan. Inilapag ko sa puntod ang isang pirasong rosas at nagsindi ako ng kandila. Nanahimik sandali. Mataimtim akong nagdasal sa aking isipan.
"Miguel, kung saan ka man naroroon ngayon. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamasasayang ala-ala. Ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kahit na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw mo, masaya ako dahil nalaman kong mas pinili mo ako sa halip na sundin ang iyong ama. Kung ito ang kapalaran natin at itinadhanang hindi tayo magkatuluyan habang buhay... Malugod ko itong tatanggapin sa kabila ng matinding pighating naiwan sa aking puso..."
Matapos kausapin si Miguel sa aking isipan ay inilabas ko ang aming mga larawan. Hindi man ito ang orihinal na ibinigay sa akin ni Miguel ay sumasalamin pa rin ito sa aming mga nakaraan. Inilagay ko ito sa apoy ng kandilang nakatirik sa puntod ni Miguel.
Hinawakan ni Dave ang aking kamay upang pigilan ang aking ginagawa, "Anong ginagawa mo Macky?!"
"Nagpapaalam kay Miguel." tugon ko kay Dave habang nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking luha.
"Hindi ko na kailangan ang mga larawang ito. Mananatili si Miguel sa aking isipan. Mas magandang sa puso ko na lamang siya hayaang mamuhay at hindi sa mga larawang ito..."
Pinagmamsadan kong magliyab ang mga larawan namin ni Miguel. Unti-unti, natutupok na ito ng apoy. Kasama nito ang paglaya ng aking puso mula sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao dahil sa pagkawala ni Miguel. Tuluyan na itong maging abo at tinangay ng malumanay na ihip ng hangin. Hinawi ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumalikod sa puntod ni Miguel at nilisan namin ni Dave ang pook ng kanyang himlayan. Muli sa aking isipan ay sinabi ko ang mga katagang,
"Paalam Miguel... Paalam.."
Matapos maganap ang lahat... Sa kasamaang palad, hindi naging kami ni Dave. Sa halip, kami'y naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ang katotohanan na hindi ko siya magawang mahalin. Nguni't nariyan pa rin siya para sa akin sa oras na kailangan ko siya. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang kasintahan, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Ako naman, nagsumikap mag-aral ng mabuti. Naghihintay pa rin ng lalaking muling magpapatibok ng aking puso na kagaya ng naramdaman ko kay Miguel. At lagi kong isinasaisip..
Hindi natin maiiwasan na sa kabila ng mga masasayang imahe nito, darating ang araw na kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na ito ay mga bakas na lamang ng kahapon dahil kailangan na nating mamuhay para sa kasalukuyan, at yakapin ang paparating na bukang liwayway patungo sa hinaharap ng ating buhay..."
(Wakas ng Rainbow Series Season 1: Larawan)
(Abangan ang Rainbow Series Season 2: Rosas)
30 comments:
mejo busy... now ko lang tinapos...
may season 2 pa naman eh...
hehehhehe
Lintek ka! Pina iyak mo ako! Argh! Dito ko pa man din sa office binasa!
Maganda, maganda ang pagkakasulat! Hope to read more Yffar!
bravo bravo... u did it well!
u did me cry! tumulo luha ko, pwamis!
may pagkakataong akala mong ang dalawang puso ay magiging isa sa isang saglit.
aabangan ko ang season 2.
waahhh! ang sad naman. :(
ano na nga pala nangyari sa project ni macky? nyahaha. baka bumagsak siya sa subject niya sa school. lol. *peace!*
i'll be waiting for season 2. keep it up! :)
@mikkoi
opo... i will... dont worrt..
@veradik
"u did me cry! tumulo luha ko, pwamis!"
mare eto po ang tissue,, :P
@ykai
di ko na nilagay yung nangyari sa project.. hahahha
sabi ko na nga ba. tama ang mga hinala ko. hehehe. san na ang season 2? hahaha!
maganda sya.
:-)
@ ♂
galing galing naman manghula
:P
@kuya kiks
:P thanks po...
Yffar, congratz! kahit d ka nakatext kagabi ok naman. Alam kong winork mo talaga to. Congratz! maganda!
@anonymous
asus... tapos drinadramahan mo ko..
hahahaha
i hate you! nasad ako!!! :(
though good job with the story! keep it up! :p more, more!
i followed your larawan series... all i can say is its a great work... *tap*
congrats sa pagtatapos ng series! you did well. nagbunga rin ang pagpupuyat sa internet cafe. hehe
Lesson of the story: Alamin ang current events. kidding. ;)
Bakit hindi sila nagkatuluyan ni Dave? akin na nga lang si Dave. hehe
@fiona
"more, more!"
dont worry po..
i will..
hehehe...
BOW!
nice one! looking forward sa next series.. =)
at siya po ay namatay. bow. sabi na nga eh.
patay na si miguel! sabi na nga ba eh! hehehe
nice work! bravo!!! :)
@Dave
thanks for the tap... :P
@kuya jericho
"Lesson of the story: Alamin ang current events. kidding. ;)"
harharhar... echos mwah.. belated
@liezlmarie
BOW!
nice one! looking forward sa next series.. =)
cge po.. i will update you for the next series...
@prinsesa musang
galing ng hula ah...
@odin hood
yepyep..
tegi na nga sya
hayzzz.. so sad.. waaaaaaaaaaaa.. ero good story.. :)
whew, andame kong hinabol na basahin dahil madameng conditions before reading an entry.
mahusay na nobela!
sabi na eh. shet may nakita akong word na "paalam"
sabi na eh. eto babasahin ko pa lang.
manong tanod, pakikuha nga c raffy! pinaiyak ako!
i knew it. kakainis.
shet kaya pala may gwapong nagpaparamdam dito sa room ko...
awooo...
salamat sa pagsuporta sa aking larawan series....
salamat...
mwah sa lahat...
Post a Comment