New Blog Site (Click here):

Larawan (part 4)

Wednesday, August 13, 2008

Ako’y nagising dahil sa tilaok ng mga manok, may pagkaprobinsya pa rin kahit papaano ang setting dito kina Miguel. Hindi gaya sa Manila na magigising ka sa mga nagkokontrahang ingay ng mga radyo at nagdadaanang mga sasakyan. Medyo nahihilo pa rin ako dahil sa hang-over. Teka, wala na naman si Miguel sa tabi ko. Hinanap ko siya at napansin kong nagshoshower na pala siya. Aba! At pinaghanda na naman niya ako ng makakain, kaparis ng ginawa niya para sa akin kagabi. Lubhang mapag-aruga pala talaga itong si Miguel. Hindi pa man ako nakakaalis mula sa kinahihigaan ay aking kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan ang larawan namin kagabi. Bago ko nabuksan ang mga menu ng naturang cellphone ay napansin kong may “11 missed calls” sa cellphone niya at si Dave ang naka-register na pangalan. Nang ma-unlock ko na ang cellphone ay napansin ko ring may “5 messages received” ang cellphone niya, nguni’t may hinala pa rin ako na si Dave ang nagpadala ng mga naturang text messages. Bilang respeto ay hindi ko na lang binuksan ang mga mensaheng iyon. Hindi ko pa rin maalis sa aking isip na nakita kami ni Dave na pinsan ni Miguel kagabi habang sumasayaw na magkayakap.

Natapos na ngang maligo si Miguel at lumabas siyang tuwalya lamang ang nakabalabal. Sabay kaming nag-al
musal at naikuwento ko nga sa kanya na tumatawag si Dave at nagpapadala ng mga text messages sa kanya. Subali’t sinabihan na lamang ako ni Miguel na huwag na lamang itong pansinin dahil siya na raw ang bahalang dumiskarte sa anumang mangyayari. Habang nasa hapag-kainan ay sinusubuan pa ako ni Miguel ng pagkain, at ganun rin ako kay Miguel. Inabot ko kay Miguel ang kanyang cellphone at binasa niya ang kanyang mga mensahe. Hindi ko napigilang magtanong kay Miguel.

“Anong sabi ni Dave?”

“Wala naman, sabi lang niya na nakita niya tayo, that’s all.”, pagkasabi niya nito ay binaba na niya ang cellphone niya sa lamesa at nagpatuloy sa pag-aalmusal.

“What time ka uuwi Macky? Gusto mong ihatid kita hanggang sa terminal ng bus?”, alok sa akin ni Miguel.

“Ay huwag na, nakakahiya naman sayo…”, tanging naitugon ko sa kanya sa sobrang hiya dahil sa simula pa lang ay wala na siyang ginawa kung hindi ang asikasuhin ako.

“Alam kong yan ang isasagot mo sa akin, pero anong magagawa mo if I insist? Binalik na ni Kuya Ikoy yung motor kanina lang. Tamang tama lang kasi may bibilhin ako sa bayan ”, patuloy na pangungulit ni Miguel sa akin. Hindi na ako nakahindi. Para naman akong babae nito, hinahatid pa. Naligo na ako pagkatapos kumain upang makapaghanda sa matagalang biyahe. Napakabanidoso rin nitong si Miguel at sobrang daming mga abubot ang nilalagay sa katawan. Matapos maligo ay pinahiram na naman ako ni Miguel ng mga damit. Kung bibilangin ko ay nakakatatlong damit na ang binigay niya sa akin. Ayaw niya daw akong pagsuotin ng damit na nagamit ko na. Hindi ko na pinatagal kasi binibigyan na niya ako ng scientific explanation kung bakit at ayokong nakikinig sa kahit anong tungkol sa agham.

Lalabas na nga kami nang biglang sinara ulit ni Mguel ang pinto at niyakap niya ako ulit.

“I will be missing you Macky…”, pabulong na binanggit sa akin ni Miguel.
“Ako rin Miguel, mamimiss rin kita”, sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Naintindihan ko si Miguel. Ito na ang pamaaalam niya sa akin sa araw na ito sapagka’t hindi na namin ito kayang gawin pagtapak sa labas ng kanyang silid. Hindi namin napiligilan na halikan ang isa’t isa na mukhang nagtagal ng ilang minuto. Matagal-tagal din kaming hindi magkikita ni Miguel at ngayon pa lamang ay nananabik na akong siya'y muling makita.

Bubuksan ko na sana ang pinto nguni’t pinigilan ako ni Miguel at tinanong ako,

“Will you be my buddy?”

Napaisip muna ako saglit. Kailangan ko na bang sagutin si Miguel? Huwag muna siguro. Kailangan may patunayan muna siya sa akin. Masyadong mabilis ata kung papayag ako kaagad. Kahit na nahulog na ng lubusan ang kalooban ko sa kanya ay hindi pa rin ako sigurado kung kailangan na bang maging kami. Kaya ang tanging naisagot ko sa kanya ay , “ … Pag-iisipan ko muna.”.

Ngumiti na lamang si Miguel sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto upang makalabas kami. Kagaya ng unang pagkikita namin ay iniangkas niya ako sa kanyang motor. Mabilis ang pagpapaandar niya ng motorsiklo at ang sarap ng bawat dampi ng hangin sa aking mukha. Nakarating na nga kami sa terminal ng bus. Parang ayaw ko pang sumakay at tila pinipigilan mismo ng aking mga paa ang pagtapak nito sa hagdan ng bus.

Nang napagdesisyunan ko nang sumakay ng bus ay nagkuhaan muna kami ng picture gamit ang kanyang cellphone. Akala ko’y pamamaalam na ito subali’t bigla na lamang sumabay sa pagpasok sa bus si Miguel na aking ikinagulat.

“Anong ginagawa mo?”, tanong ko sa kanya.

Naupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako. Binulungan niya ako ng, “Hindi ako bababa rito hanggang hindi mo ko sinasagot…. Ano? Dare?”

“Ano ka hilo?!”, pagulat kong nasabi sa kanya. Malapit nang umandar ang bus na sinasakyan ko at nagpapahiwatig na ang konduktor.

“I’m not kidding Macky… Hindi ako bababa unless sagutin mo ko ngayon din…”, patuloy na pangungulit ni Miguel.

Gumagalaw na ang bus at malapit nang ipinid ang pinto ng bus. Medyo kinakabahan na ako dahil nakatingin na sa amin ang ibang mga taong nakasakay sa bus.

“Yes lang or no Macky…”, tanong ulit sa akin ni Miguel. Sa sobrang taranta ko ay napasabi na lamang ako ng, “Oo na! Sige na!”.

Nang sambitin ko ang mga katagang iyon ay binulungan ako ulit ni Miguel at nag-I love you at bumaba na siya ng bus. Kinikilig naman ako sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwalang kami na. Pinakikiramdaman ko ang dibdib ko at mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga nangyari. Siya pa lang ang namumukod-tanging lalaking gumawa ng ganoong bagay. Mula sa bintana’y sinusulyapan ko siya at binabantayan pa rin niya ako ng tingin hanggang sa makaalpas na nga ang bus papalabas ng terminal. Medyo nakakalayo na ang bus ay nakita ko si Miguel na sumakay na siya sa kanyang motor. Dahil sa matagal ang biyahe ay hindi ko napigilang makatulog… Kahit sa panaginip ay si Miguel pa rin ang laman ng aking isipan; ang kanyang mga ngiti, yakap, at mga halik na bumuhay sa aking damdamin. Mahal ko na yata talaga siya. Pagkarating ko sa bahay ay napansin kong puno ang aking cellphone na galing kay Miguel. Puro ito "I love you", "ingat ka lagi", at iba pang mga sweet lines. Simula noon ay lagi nang may buhay ang cellphone ko na dati'y mga quotes lamang na galing sa aking mga kaibigan at nakakabagot basahin. Ang tawagan namin ay "Mahal", napakapayak na tawagan ng mga magsising-irog. Dahil kay Miguel ay nagkaroon ako ng mga ala-alang sobrang itatago ko bilang kayamanan sa aking kamalayan…


Nagbalik na naman ang aking diwa sa kasalukuyan mula sa pagbaybay niya sa nakaraan. Nababagot na ako sa
kakahintay kay Miguel dito sa SM Manila at naubos ko na ang mga inorder kong pagkain. Tiningnan ko ang dalawa sa mga larawang nasa lamesa, ito ay ang larawan na magkahalikan kami ni Miguel at ang kuha namin sa terminal ng bus. Mga masasayang araw… Matagal akong napatitig sa mga nasabing larawan. Sa aking pag-iisa ay may crew, pero hindi siya sa McDonald nagtratrabaho dahil sa uniporme nito, at nag-abot sa akin ng isang pirasong rose na may nakalagay na sulat.

“Macky, meet me dito sa bridge, remember this place? Kung saan pinagsigawan ko na mahal kita.- Miguel”

Sulat kamay nga talaga ito ni Miguel. “Sinong nagbigay nito?”, tanong ko sa crew. “Ah, yung lalaki kanina, yung medyo matangkad, pinadeliver po niya yan sa amin”, ang sagot sa akin ng binatilyo. Hindi ko na tinanong kung anong pangalan ng nagpadala ng rosas. Nang makaalis na ang nagdeliver ng rose ay inilagay ko ulit ang aming mga larawan sa aking bulsa at inihanda ang aking sarili upang puntahan si Miguel kung saan kami magtatagpo. Habang naglalakad ay nagbalik muli sa aking ala-ala ang aming mga masasayang kahapon…

Mag-aanim na buwan nang kami ni Miguel...May mga pagkakataon pa nga na sa halip na ako ang magpunta ako sa kanila ay siya na mismo ang lumuluwas ng Maynila magkasama lamang kami. Dahil sa hindi siya legal sa amin ay umuupa na lamang siya ng apartel at lahat ng gastos ay siya ang umaako. Kapag nakakaluwag ako ay ako ang pumupunta ng Laguna at panandaliang tumutuloy sa kanila. Niregaluhan pa nga niya ako ng isang rabbit at pinangalanan namin itong “Micky”, pinagsama ang aming pangalan na Miguel at Macky. Napakasweet talaga nito ni Miguel sa akin. Kaya ng namatay ang alaga naming si Micky ay labis akong nanlumo dahil lahat ng bagay na ibinigay sa akin ni Miguel ay napakahalaga sa akin. Minsan naitanong ko sa kanya kung mahal ba talaga niya ako, at ang lagi niyang sinasagot sa akin ay. "Oo naman, isn't it obvious?", at hahalikan na lamang niya ako sa labi. Sabagay. Hindi naman siguro siya tanga para dumayo para lang makipagkita sa akin kung hindi diba? Marami na rin siyang sakripisyo para sa akin. Ganun rin naman ako, hanggang kaya ko ay pinaparamdam ko talaga sa kanya na mahal na mahal ko siya. Isa pa sa mga nakakatuwang bagay na ginagawa sa akin ni Miguel ay sa tuwing magkasama kami ay siya na rin ang nagsisilbing private tutor ko at siya na rin mismo ang gumagawa ng mga assignment ko. Sobrang swerte ko sa kanya at siya na nga ata ang biyayang hulog sa akin ng langit. Sana ay matagal ko nang nakilala si Miguel. Nguni’t isang araw ay nagulat na lamang ako sa balitang ibinahagi sa akin ni Miguel na halos ikagunaw ng aking mundo…

(itutuloy…)

28 comments:

Wilberchie said...

OMG! Ganyan din ako, yung mga simpleng bagay na binibigay ng mga important persons para sa akin, iniiyakan ko pag nawala.

Shet! Part 5 nah! Ginunaw ang mundo! Cmon!!!

Excited nako!

Yffar (^^,) said...

ay ang bilis ng comment...

binasa mo kaagad...

samantalang kanina nagchachat lang tayo...

wait nyo part 5...

ayan.. magk-comment muna ako bago basahin...

sana ininform mo na meron ng part 4.. demanding.. chot!

nakakainis ka tlga. binitin mo na nmn ako. simula nagyon hindi na raffy tawag ko sau.. kundi...

wait mag-iisip muna ako.. wahahaha..

anyways, the bus scene was sweet. shet. as in matutunaw ako.. wahahhw

Anonymous said...

Aba ang galing galing naman ng kwento. Haha. You really sound interesting. I hope we can meet up. Friendly meeting lang. Hehe.

... said...

I'm sure may nabuntis si Miguel at ikakasal na sila. Haha! =p

Chyng said...

si source ataters magcomment! hehe

ambilis ng part4 ha.. answeet ng labistori!

abangan ko ang kakagunaw-mundong part5!

vErAdiK said...

...same as you, nanlumo din ako nung nawala nang ibang tao ang regalo nang fiancee ko sa akin, hanggang ngaun di alam nang fiance ko na wala na sa aking kamay ang "Rosary" na binigay nya sa akin... :(

... sweet nyu naman!

... ay bakit may ganong part? aabangan ko ang part 5!!

ingats!

ps:
post the part 5, bukas (ASAP)... demanding! hehehee

nahj12 said...

sweeettttt. .heheh.. itutuloyyy.. waaaa.. ano ba naman ang balitang yon?

Yffar (^^,) said...

@looking for the source:
lagi ka nagpopost bago magbasa ah.. hehehehe

hindi pa ko nakakapagpost ng larawan series na may the end.. itutuloy muna, di pa tapos eh..

hehehe

Yffar (^^,) said...

@bino/geno

sure.. hehehe..

Yffar (^^,) said...

@mel beckham

taray ng wild guess...

yan yung una kong naisip pero feeling ko napakacliche na nun..

hahahaha

Yffar (^^,) said...

@chyng...
kasi dami nanghingi ng part 4
kahit sa text may nagtext na ilabas na. hehehe

Yffar (^^,) said...

@veradik
mahirap ipost yung part 5...
hays... baka bukas na... hehehehe...

Yffar (^^,) said...

@hannah
hehehe. inabangan talaga ah.:D

Kiks said...

Ambiles naman ng Part 4. Buti na lang mabilis din akong magbasa.

Hindi naman ito tungkol sa yo? Hihi.

Pero contrary to mel's hinuha, i think Miguel is actually a figment of Macky's imagination.

Isang Filipino pocketbook lang ang lahat.

(nakakaenjoy. nakakabaliw.)

Yffar (^^,) said...

hehehe.. mamaya labas ko na part 5.

babasa muna ako blog ng iba...

Anonymous said...

ang galing mambitin nito! Hahahaha! more!!!

Yffar (^^,) said...

@mikkoi...

tonight po after ko magpabunot ng ngipin ipost ko..

hehehe

para ramdam ko lahat ng emotions..

kiel estrella said...

ano, nabunutan ka na ba ng ipin?

happy ending ba 'to? ayaw ko nang basahin yung part 5 kung hindi...

odin hood said...

sana may bf ako na ganyan haaay

[G] said...

itong si miguel, nakakagigil.

at nakikipaghalikan pa sa bus terminal!

parang kwento ito ng bestfren ko at ng kanyang nabigong pag ibig k t***

hmmm.

sige ituloy ang kwento.

woof!

Anonymous said...

wahhhhhhhh.... nakakaiyak naman yung pagkabitin amppp.


sakin yung gifts na binigay saken, nakatago paden. wahaha.. kahit elem pa..

excited. excited. excited.

pishnge said...

hala ang saya at ang sweet naman nyan...

weeee.. bagay na bagay...

wow.. sana magtagal pa..

ay teka c stan nagcomment: hi sexystan..! jejejeje

ganun naman ata tlaga pag mahal mo isang tao lahat ng ibibigay at gagawin nya sayo pahahalagahan mo eh.. :D

(0'-'0)

Yffar (^^,) said...

out na po ang larawan part 5...

Sprechtrel said...

I pity the poor bunny who now is in a better place, don't you agree? :)

Wait, is this series of posts your real events or just literature? I'm puzzled.

Yffar (^^,) said...

hehehe...

it's my imagination...

purely...

swear.. :"D

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online