New Blog Site (Click here):

Larawan (part 5)

Thursday, August 14, 2008


Isang linggo bago ang ika-pitong monthsary namin ay nagkita kami ni Miguel sa isang mall dito sa Maynila. Inaya ako ni Miguel na mag dinner date dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Maulan noong gabing iyon. Naririnig ko pa rin ang kulog kahit nasa loob na kami ng naturang mall. Mag-iika-walo na ng gabi at sabay kaming kumain ng hapunan sa isang restaurant sa unang palapag. Nang kami'y matapos nang makakain ay tinawag niya ang waiter upang bayaran ang bill. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas kaming walang imik. Naghihintay ako sa kung anumang bagay ang isisiwalat niya sa akin. Sana huwag niyang sabihing nabuntis niya si Mika, ang ex-girlfriend. Oh, God! Huwag naman sana. Dahil kung nagkataon ay kailangan niya itong pakasalan at iiwanan niya na ako. Lubha akong kinakabahan. At iyon na nga. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kaliwa kong balikat at nagsabing...

"Macky, I have something to tell you..."

Hindi ito naipagpatuloy ni Miguel at ako na lamang ang nagtanong ng...

"Mahal, kung ano man ang sasabihin mo, makikinig naman ako sa iyo", kahit sa likod ng aking isipan ay hindi ko pa rin maalis ang kaba at makakaya ko bang tanggapin ang tila napakahalagang balita na sasabihin ni Miguel. At ilang sandali na nga ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.

"Remember my dad?", tanong ni Miguel sa akin.

Napa-isip ako ng malalim. Ang tatay ni Miguel? Yung nasa Australia? Eh ano namang posibleng nangyari sa tatay niya? At hinayaaan ko na nang matapos ang sinasabi ni Miguel.

"He wants me to continue my studies in Australia and mamahala ng iba pa naming properties na naiwan doon, this is his dying request since malapit na siyang mamatay because of bone cancer. Macky, we have to end this relationship", winika ni Miguel sa akin.

Sa aking narinig ay bigla akong panandaliang natulala. Iiwan ako ni Miguel? Dahil ito raw ang hiling ng ama niyang may taning na ang buhay. Hindi ko ito mapaniwalaan nang marinig ang balitang ito na galing sa lalaking mahal ko. Kung kailan masayang masaya na ako sa piling niya ay bigla na lamang matatapos ito na parang isang panaginip? At sana nga ay panaginip na lamang ang mga sinabi ni Miguel na pagkagising ko ay hindi naman niya talaga ako kailangang iwanan. Dahil sa hindi ko matanggap ang mga sinabi ni Miguel ay tumayo ako mula sa aking kinauupuan, binitbit ang aking pouch bag, at naglakad papalayo sa kanya. Naramdaman kong sinundan ako ni Miguel hanggang sa makalabas na ako sa nasabing mall.

Hinabol ako ni Miguel. Lalo kong binilisan ang aking paglalakad at hindi ko siya pinapansin. Habang tinatahak ang isang landas na hindi ko alam kung saan ako patutungo ay kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Ginaw na ginaw na ako subali't hindi ko ito iniinda sa sobrang pagkagulat sa mga biglaang pangyayari. Nakarating na nga ako sa isang tulay na malapit na sa Palasyo ng MalacaƱang na may kalayuan na sa mall. Napatigil na lamang ako sa paglalakad dahil naabot ni Miguel ang isa kong kamay at hinila papalapit sa kanya.

"Macky, listen to me first!", pasigaw na sinabi sa akin ni Miguel. Wala akong reaksyon sa mga winiwika niya at nakatingin lamang ako sa malayo. Tinatanaw ko ang hangganan ng ilog na parang wala sa sarili.

"If it's not important, I won't do it", patuloy na pagpapaliwanag ni Miguel sa akin.

"At ano ako? Wala ba akong importansiya? Laguna nga at Maynila nalalayuan na tayo, Pilipinas at Australia pa kaya! And now we have to break up dahil aalis ka na!", tumalikod ako kay Miguel at patuloy na umiyak. Umiyak ako ng umiyak at walang humpay ang paghikbi. Naramdaman ko ang nga kamay ni Miguel at niyakap niya ako mula sa likod. Hinagkan niya ang aking ulo at nagtagal roon ang kanyang mga labi sa loob ng ilang sandali.

"Don't be childish Macky, can't you understand?", patuloy niya. " Despite the distance nagmamahalan pa rin naman tayo. Ang pinagbago lang, dagat na ang pagitan natin. Pero I have to end this relationship. I'm giving you your freedom para kung makahanap ka ng ibang taong mamahalin, malaya ka. Pagkagraduate mo you can go there, or susunduin kita dito sa Pilipinas. Maghahanap tayo ng lugar na kahit walang same sex marriage, mapagtiyagaan natin ang civil union kahit papaano. We will be together. It may take that long pero it's all worth it. Kailangan ko lang gawin ang mga responsibility as a son to my father. If we're really meant to be, magkikita't magkikita tayong muli. Kapag ayos na ang lahat ako mismo ang gagawa ng paraan para balikan ka". Unti unting tumila ang ulan. Umaaliwalas na ang kalangitan at kahit papaano'y nasisilayan ko na ang buwan.

Parehas kaming basang basa ni Miguel dahil sa ulan. Humarap ako sa kanya at tinitigan ko siya ng matagal. Nagwika ako sa kanya ng , "I need you here beside me. Mahihirapan ako na wala ka sa tabi ko. Pero sige, If I have to do all the sacrifices, maghihintay na lamang ako na magkasama tayong muli". Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na kailangan na naming maghiwalay.

"Parehas tayong may sacrifices na gagawin, dahil mahal na mahal kita Macky. Alam mo yan at sana'y naparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal", nang sabihin ni Miguel ang mga katagang ito ay niyakap niya ako at hinalikan. Nasaksihan ito ng mga dumaraang mga jeepney, truck, at iba pang mga sasakyan. Iba't ibang reaksyon ang aming natanggap. May mga sumigaw ng "Hoy! Mga Bakla!" at gusto kaming batuhin ng bote ng mineral water, may mga naglalalakad sa harapan namin at sobrang sama kung tumingin, at may mangilan-ngilan na kinikilig habang nakatingin sa amin. Sa kabila ng mga negatibong reaksyon na pinamalas ng mga nagdaraan ay humarap siya sa ilog at isinigaw niya ang "MACKY I LOVE
YOU!". Ako na mismo ang nahihiya para sa kanya dahil baka kung ano na lamang gawin sa amin ng mga tao. Wala kami sa Quezon City, nasa Maynila kami at walang anti-discrimination law na poprotekta sa amin kung sakaling bugbugin kami ng mga taong makikitid ang utak.

Dahil sa hindi maaring magpalipas ng gabi si Miguel sa amin ay nagrenta kami ng lugar na matutuluyan sa loob ng labindalawang oras. Nagpatuyo kami ng mga damit at nagpahinga. Sinabihan niya ako na sa isang linggo na ang flight niya papuntang Perth. Aprubado na ang visa at mayroon na siyang ticket. Hanggang ngayon ay nanlulumo ako sa mga pangyayari subali't kahit papaano'y napawi ito ng gabing pinagsaluhan namin ni Miguel.

“Mahal, ihahatid mo ba ako sa airport?”, tanong sa akin ni Miguel. Tinitigan ko siya ng matagal at saka ko siya sinagot, “Hindi, ayokong makita kang paalis. Masasaktan lamang ako. Mas mabuti pang huwag na lang. Ang gusto ko, kapag pupunta ako sa airport ay ang araw na sasalubungin kita dahil babalik ka na dito sa Pilipinas.”

Ilang araw na nga ang lumipas matapos naming magkita ni Miguel.

Sa araw mismo ng flight si Miguel ay napagpasiyahan kong uminom at magpakalasing. Tamang tama. Wala sina mama at papa sa bahay. Ang mga kapatid ko ay umuwi muna ng probinsya. Kaya kong umiyak hangga’t gusto ko. Dahil kapag nandito sila, hindi ako maaring magpakita na umiiyak ako. Hindi nila alam kung ano ang tunay na dinaramdam ko. Wala silang ideya na bakla ako. Dahil nga sa hindi ko gusto ang lasa ng beer ay napilitan akong uminom ng brandy habang nanonood ng tv...

"My hair just feel better and better. Thanks to...", commercial, puro na lang product endorsements. Halos kalahati na lang ng mga palabas sa telebisyon ay kinukunsumo ng mga ardvertisements.

"Flash Report: Isang lalaking nakasakay sa motor, naaksidente", balita? mas ayoko munang makarinig ng balita. Hindi naman nakakatulong sa mga personal na problema ko ang mga balitang napapanood ko.

"Senior Santiago, ang anak niyo pong si Seniorita Paula... initanan ng hampas lupang hardinero!", si Clara, ang intrimitidang katulong sa sikat na telenovela, puro na lang drama. Nakakasawa na.

At nailipat ko na nga ang istasyon ng tv sa Myx, kung saan may isang baguhang mang-aawit ang bumuhay ng lumang awitin. Hindi ko na ito nasimulan subali't naiyak ako habang pinakikinggan ang awitin...

"KUNG ALAM KO LANG,
NA AKO AY MASASAKTAN,
DI NA SANA KITA INIBIG,
DI NA SANA HINAYAAN ANG PUSO,
PUMINTIG PARA SA'YO.
KUNG GANON DIN NA IIWAN MO...
DI NA SANA NAGMAHAL NG TUNAY,
SANA'Y DI NA LANG...
KUNG ALAM KO LANG. "

Isa itong lumang tugtugin at ngayon ko lamang ito nagustuhan. Alam ba ng lumikha ng awiting ito na ito ang nais isigaw ng puso ko ngayong gabi at nilikha niya ito para sa akin? Bawat salita, bawat mensahe, katulad na katulad ng pighating namumutawi sa aking damdamin dahil sa paglayo ng taong mahal ko. Kailangan ko bang magsisi dahil minahal ko si Miguel? Oh kailangan kong matuwa dahil kahit papaano’y dumaan siya sa aking buhay at pinaramdam kung papaano magmahal at mahalin.

Napagpasiyahan kong tawagan si Miguel sa kanyang cellphone subali’t hindi niya ito sinasagot. Malamang ay nakasakay na ito ng eroplano. Pinadalhan ko na lamang siya ng mensahe sa text, nagbabakasakaling mabasa pa ito ni Miguel. “Paalam Miguel. Paalam… Hanggang sa muli nating pagkikita.”. Matapos maipadala ang mensahe ay nakaramdam na ako ng matinding antok at sakit ng ulo. Sa kalasingan ay nakakatulog na ako, subali’t kahit pigilan ko ay kusang pumatak ang aking luha…

Balik na naman sa normal ang aking buhay. Gigising… Maliligo… Papasok… Uuwi… Mag-aaral… Matutulog… Tiningnan ko ang friendster subali’t nakikita ko sa profile ni Miguel na matagal na itong hindi nagbubukas ng kanyang account. Kahit mensahe ay wala. Sadya bang kinalimutan na ako ni Miguel? Subali’t may pangako siya sa akin na kahit hindi na kami ay magkikita kami at siya mismo ang gagawa ng paraan. Pati ba ang mga pangakong iyon ay nakalimutan na niya? Mag-dadalawang linggo na rin ang lumipas…

Sa aking pag-iisa habang nakatingin sa soccer field, kung saan una akong nakatanggap ng text galing kay Miguel ay pinagmamasdan ko ang aming mga larawan. Hindi ko mapigilang malungkot habang inaalala ang mga masasayang araw na aking pilit na binabalik-balikan. Biglang tumunog ang aking cellphone.

“1 Message Received”.

Hay naku… Isa na naman sa mga quotes na galing sa mga alaskador kong kaklase. Pero binuksan ko ito at binasa…

Nagulat ako kung sino ang nagpadala ng mensaheng ito. Ang numero ng cellphone na ito ay ang numerong inaasam asam kong magpadala ng mensahe sa akin. Ito ang numero ni Miguel! Nandito na siya galing ng Australia?! Ang bilis naman… Nagpasya ba siyang manirahan na lamang dito sa Pilipinas? Lubos ang kaligayahan na naramdaman ko nang matanggap ko ang mensahe ni Miguel.

“Kita tayo sa SM Manila now”

Nireplyan ko siya at sinabing “Sa Mcdonald na lang tayo magkita”

Hindi na ako nakatanggap ng reply sa kanya nguni’t dali-dali akong nagtungo sa SM Manila

At ngayon nga ay nandito na ako at naglalakad patungo sa tulay na nasa likod ng Mall. Sabik na sabik na akong makita si Miguel. Natunton ko na nga ang tulay. Nakita ko ang isang lalaking matangkad at nakatalikod. Katabi niya ang isang motor. Mukhang nagbago ata siya ng ilang parte subali’t alam kong kay Miguel ito dahil parehas ang plate number nito. Nakatayo siya mismo kung saan ako niyakap ni Miguel at pinagsigawang mahal niya ako. Nguni’t sa pagkakataong ito ay ako naman ang yumakap sa kanya mula sa likod…

“Miguel! Mahal ko!”…

(itutuloy)

26 comments:

Yffar (^^,) said...

kakagising ko lang...

mejo masakit pa yung binunot sa akin ng dentista...

hays,...

dapat kanina ko pa toh napost...

antok na ako..

nytnyt

vErAdiK said...

hoy!

kahit kelan... bitin ka palagi!

c Miguel nga ba ang nakita at niyakap ni Macky?

abangan!

happpy weekend!

odin hood said...

nakakaasar!!!! binibitin mo ako!! hahaha


at ang eksenang walkout sa mall at magpalakad-lakad patungo sa kawalan hanggang mapunta na lang sa may malacanang.... parang nangyari na rin sakin yan hahaha pero walang ulan at walang miguel na humahabol


"Wala kami sa Quezon City, nasa Maynila kami at walang anti-discrimination law na poprotekta sa amin kung sakaling bugbugin kami ng mga taong makikitid ang utak." ---- sobrang natawa ako dito

Anonymous said...

hello po...

hays...

di ko pa nagagawa ang part6..

baka bukas or sa monday ko ipost...

Kiks said...

sumasakit ang ulo ko dahil sa post na to.

give me an unexpected twist at the end, yffar.

there has to be a twist... not the twist i feel coming.

jericho said...

ngayon ko lang ulit kinarir ang post mo hehe. kapag tragic ang ending nito .. sasakalin kita dahil i don't need tragedies right now. charot!

Wilberchie said...

haaay!

Bitin! Dali!

Sulat mode!

kiel estrella said...

fine.

pag di mo tinapos ito soon, sa paraang masaya, bubunutan ka namin ng ipin kahit walang cavities.

Anonymous said...

hintayin nyo ang istorya ku..
hhuhu. taytay yffar!! nawala ung phone ko sa malate kagabi! punyeta!
ang ganda ng love story.. galing galing! wait for my stories. sana paka abangan din. dito ku nalang din i-post

Anonymous said...

hintayin nyo ang istorya ku..
hhuhu. taytay yffar!! nawala ung phone ko sa malate kagabi! punyeta!
ang ganda ng love story.. galing galing! wait for my stories. sana paka abangan din. dito ku nalang din i-post

Anonymous said...

calves poh!

Yffar (^^,) said...

@Calvez
wahh... sana di na lang kita pinayagang mag malate kagabi.. huhuhuh

Yffar (^^,) said...

@kiks
natetense ako sa yo.. hahahaha.. baka di ko mabigay expected twist mo... pero the story is not yet nearing the end.. hahahaha... ang plano kong twist mukhang kailangang baguhin... hehehehe..

Yffar (^^,) said...

@kuya jericho
wahhhh... bakit may problem ka b?

check ko blog mo later.. para malaman ko.. :(

Yffar (^^,) said...

@kiel
masakit yun.. hahahaaha
anyways.. maasaya??? pipilitin kong gawin.. :D

Yffar (^^,) said...

@wilberchie...
lagi namang bitin eh... hehee

nahj12 said...

weeee...galing mambitin ng taong ito.. hahaha.. loka ka.. salamat sa pag update.. :)

Anonymous said...

oy yffar! wag mo akong paiiyakin sa ending kundi bubunutan kita ng ipin! hahahaha!

ateh, balak mo bang talunin ang mga teledrama sa telebisyon??

comment mode muna bago basa! nyahahah

ateh!

pwede ng telenovela ito.

hooked na hooked ako.

and bitin na bitin.

sweet.

at umayos ka ha! nyahahaha..

Yffar (^^,) said...

tense ako...
hays....

Kape Kanlaon\ said...

feel the rain on your skin, no one else can feel it for you, no one else could let it IN.... hahaha
good day!

Yffar (^^,) said...

@lance

no one else... no one else...
can feel the rain on your skin...

love the song.. hehehe

wait nyo na lang part 6 ko...

Yffar (^^,) said...

out na po ang larawan part 6

Sprechtrel said...

I thought Miguel was the one who died in the accident. :/ Anyway, reading up part 6.

Yffar (^^,) said...

it would be a cliche if that happened to miguel...

heheehhe

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online