New Blog Site (Click here):

Larawan (part 2)

Saturday, August 9, 2008

paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 1.


Sampung minuto na. Wala pa rin siya. Mangangalahati na ang French fries at yelo na lamang ang natira sa coke float na inorder ko. Nilalamig na rin ako dahil nakatapat sa akin ang aircon. Wala pa naman akong bitbit na jacket. Nakalagay sa lamesa ang mga larawan naming dalawa ni Miguel. Medyo may kalumaan na dahil lagi itong nakaipit sa aking wallet. Pinagmamasdan ko ang mga ito at nagbalik sa aking gunita ang mga panahon noong una kaming magkita.

Naririnig ko ang pintig ng aking puso. Hindi ko pa rin maalis ang kaba sapagka’t hindi ko po ka gaano kakilala si Miguel. Sa bagay, sa text ko pa lang siya noon nakakakausap. At dahil unlimited ang calls ng aming network, tatlong gabi na kaming nag-tatawagan bago kami makatulog. Masaya siyang kakwentuhan sa telepono, sana sa personal ay ganoon din siya. At ngayon ko na nga ito mapapatunayan.

Nabuksan na nga niya ang pinto ng kanyang kwarto. Tumambad sa aking paningin ang isang kaaya-ayang tanawin. Napakalinis. Para sa isang lalaki ay husto siyang mag-ayos ng kanyang silid. Organisado. Totoo nga na mahilig siya sa musika sapagka’t mayroon siyang guitara. Binuksan niya ang kanyang aparador at inabutan ako ng mga damit.

“Magpalit ka na ng suot, para hindi ka matuyuan ng pawis”, anyaya niya sa akin.

Medyo nahiya ako na magbihis sa harap niya. Napansin niya ito kaya siya’y tumalikod. Sabay kaming nagbibihis, pero hindi ako tumingin sa kanya. Matapos akong makapagbihis ng pambahay ay inabot niya sa akin ang mga textbooks niya sa anatomy. Napakaraming reference materials ng mga ito. May sariling personal computer sa kuwarto niya. Buti pa siya. Anak mayaman nga siguro. Sa isang lamesa ay napansin ko ang isang larawan na naka frame. Ito ay larawan niya na kasama ang isang babae. Mukha silang masaya sa nasabing larawan. Nagdalawang isip ako na baka ito ay kasalukuyan niyang kasintahan. Kaya nagtanong ako sa kanya…

“Sino toh?”

“Yan ba? She’s my ex-girlfriend. We just broke up a couple of months ago”

“Ah… Talaga, bakit kayo nagbreak?”

“It’s a long story. Ang mabuti pa, eto ang remote, manood ka muna ng TV, exacto, Shaman King ang palabas. Favorite mo yan di ba?”

Habang nanood ako ng TV ay nagbukas siya ng PC at nag-friendster. Sa sobrang intregero ko ay andami kong pinagtatanong sa mga tao na nasa pictures ng kanyang friendster account. May nakita akong isang lalaki na may itsura sa profile niya. Gwapo rin kagaya ni Miguel.

“Ang cute naman niya, sino naman siya? Ex mo rin?”

“Hindi no. Siya si Dave. He’s my cousin”

Eh bakit magkamukha kayo?”

“Malamang, cousin ko siya di ba”, sabi ni Miguel habang nakangiti.

“Ah. Hehehe.”

Yun lang nasabi ko. Isang simpleng tawa. Nang biglang may kumatok. Binuksan ni Miguel ang Pinto. Pumasok ang isang lalaking medyo mas matanda kay Miguel. Pinakilala niya ako kanya.

“Kuya Ikoy, si Macky, friend ko”

Nakipagkamay ako sa kanya. Inabot ni Miguel ang susi ng kanyang motorsiklo kay Kuya Ikoy. Initsya sa ere at sinalo ni Kuya Ikoy. Ang sabi sa akin ni Miguel ay asawa ng pinsan niya si Kuya Ikoy. Nakatira sa kabilang unit kasama ang asawa niya. Makikigamit daw si siya ng motor ni Miguel kaya siya napapunta doon.

“Andami mong kamag-anak dito ah. Taga-saan ka ba talaga?”

“Taga-Bicol ang mommy ko, ang dad ko nasa Australia ngayon. Kaso may sakit siya. Inaalagaan ng kapatid niya. Hindi nga ako makadalaw sa kanya kasi busy ako sa studies, lalo pa ngayon, finals week is very near”.

Nagbasa muna ako ng text books. May dala dala akong notebook at nagsusulat ng mga sagot sa aking home works, may exam pa naman ako sa Lunes. Kailangang magreview ng mabuti.

“Dito ka ba matutulog mamaya?”, tanong niya.

“Hmmm. Nakakahiya naman kung dito ako magpapaabot ng gabi”, tugon ko sa kanya.

“Ok lang yun, punta tayo sa bayan mamayang gabi, maganda doon pag gabi”, patuloy na anyaya niya.

“Oh sige, as if I have a choice”

At napagkasunduan namin na bukas na lang ako uuwi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusunog ng kilay. Nakakapagod magbasa, kaya I decided to sleep. Kaso si Miguel ay nasa kama na pala at naunang nahiga. Nahiga na lamang ako sa lapag. Nang makita ako ni Miguel ay pinalilipat niya ako upang tumabi sa kanya. Nahihiya pa rin ako sa kanya kaya pinagpilitan kong sa sahig na lamang ako matutulog katabi ng mga aklat na binabasa ko.

“Malaki masyado 'tong bed and pwede ka namang tumabi sa akin”

Hindi ko na naman sya mahindian kasi nakangiti siya sa akin. Natutunaw ako sa mga ngiti niya. Ano ba toh, am I falling for him? Hay naku, it’s too early to say that. Ngayon lang naman kami nagkasama. Napakababaw ko namang tao. Kaso sabagay, yung unang tatlong boyfriend ko sa simula eh naging kami sa unang pagkikita. Pero iniiwasan ko na ito kasi ang nais ko sa susunod na relasyon ay mas makilala ko muna ang magiging partner ko.

Inabot niya ang kanyang kamay upang akayin ako patayo upang mahiga sa tabi niya. Nakasando lang siyang puti at naka shorts. Namula ako sa hiya. Kaya kahit na nakahiga ako sa tabi niya ay tumalikod ako. Napapapikit na ang aking mga mata dahil sa pagod. Nabigla na lamang ako ng yakapin niya ako patalikod. Niyakap niya ako ng mahigpit. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Humarap ako sa kanya at yumakap rin. Nagkatitigan kami. Nang bigla niyang sabihin na…

“Ang cute mo naman”.

“Bolero ka!” sabat ko sa kanya.

“Hindi ah… Im telling the truth”

Sa bawat salitang sinasambit niya ay nararamdaman ng mukha ko ang mainit niyang hininga. Hindi katulad ng iba kong ex na naamoy mo ang halimuyak ng sigarilyo. Siya hindi. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hinalikan. Natulala ako. Ramdam ko ang lambot ng kanyang labi. Sa sobrang gulat ko ay inilayo ko sandali ang aking mukha sa kanya at sinabing..

“Tulog na tayo… mamayang gabi may lakad pa tayo di ba?”

Sabay biglang yumakap sa akin si Miguel. Napakahigpit. Pasimpleng hinalikan ang noo ko at natulog na kaming dalawa. Natulog kaming magkayakap. Iniwasan ko na may posibleng mangyari sa amin sa iksi ng panahong magkasama kami. Ayokong masaktan kung ma-in-love ako sa kanya. Paano kung bigla niya akong iwanan. Mahirap na...

(itutuloy...)

23 comments:

Anonymous said...

--

hakhak

ansrap ng prens prays

hakhak

elyens poreber

XXXxx

Yffar (^^,) said...

haha...

elyens talaga ah..

:D

jericho said...

ay ... may kiss talaga! hehe. pahingi naman ng contact ni Dave.. chos! haha

Yffar (^^,) said...

hahaha...

may ganun?!

hehehehe

actually mahaba pa yung story. :D

nahj12 said...

bitin.. hahha

Yffar (^^,) said...

hehe..

it's meant to be bitin...

Wilberchie said...

nagpayakap ka naman!

Wahhahahah!

Dali gogo! Next story nah!

Anonymous said...

that's not my story...

hahahaha.. it's fictional!

echos

[G] said...

o sya...tapusin na ang kwento!

Anonymous said...

hmmm....

medyo mahaba pa ata siya... hehehehe

pero di ko kayang tapatan story ng Orosa nakpil malate...

daming twists nung book na yon.. hehehe

... said...

malandi ka talaga bruha ka. lol

Yffar (^^,) said...

bakla!

sabi ng hindi ako yan...

wait my part 3, im typing it now...

mas sasabihan mo kong malandi!

hahahaha...

Anonymous said...

Ang saya saya naman. Hehe. Ang sweet niyo ah. Nakakainggit.

Yffar (^^,) said...

hehehe.. wait my part 3..

bukas ng gabi ko ipopost.

odin hood said...

aw fiction lang pala...

cant wait for the next part hehe

Yffar (^^,) said...

im done with the part 3...

ipopost ko siya bukas...

i just need to wait for the others to read the part 2...

baka kasi masira yung excitement

badtrip ka!

nabitin mo n nmn ako..

kasama ko ng ung baranggay tanod.

nagreklamo na ako!

Anonymous said...

kaloka, bitin pa rin...

ang galing ng pagkakagawa mo ng kwento

Anonymous said...

my gaaadddd! binibitin talaga ako! hahahaha! very sweet naman... kaka kilig!

Anonymous said...

bitin talaga ah,,,

hehehe.

mamayang gabi na yung part 3...

Kiks said...

pag umuwi talaga ako, ikukwento mo to sa akin.

kiel estrella said...

wala akong masabi except i agree - ang landi mo, este ng karakter mo. maari rin namng tamang inggit lang kami.

Anonymous said...

out na po ang Larawan part 3

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online