New Blog Site (Click here):

Tag-Ulan na Naman

Tuesday, July 29, 2008

Tag-ulan na naman

Sa aking pag-uwi
Binabaybay ko ang Karagatan ng Taft Avenue
Nararamdaman kong ang tubig sa aking sapatos
nagmimistulang aquarium
Sa tuwing ako’y tumatawid sa Pedro Gil River
Kailangan ko pang mag bayad ng Php.10.00
Toll Fee makatawid lamang sa kabilang ibayo
Doon ay makakasakay ako ng barko
Biyaheng Dakota Harizon Plaza
Dadaan ang naturang barko sa Ilog ng Nakpil
Dumurungaw ako
Kung may mga gwapo
Mga kalalakihang nakatambay
malamang tag-ulan
nagtatago ang mga nilalang ng karagatan
kaya mga palaka lamang ang makikita
Palakang kahit umuulan
ay naghahanap ng booking
Kapag nakarating na ako sa Kapuluan ng Leveriza
malapit sa Isla ng Manila Zoo
may mag-aalok ng,
“Boss, Side Car?!”
Sa hirap ng buhay,
mas minamabuti kong maglakad na lamang
kahit bali na ang isang tangkay ng aking Japanesse Style Pink Payong
Habang naglalakad ay aawit ako na rock version
"Walking in the Rain"
o kaya
"I can Make it Through The rain"
Parang isang baliw
Ineengganyo ko lamang ang aking sarili
Dahil kinakalaban ko ang Habagat
Niyayakap ko ang bawat patak ng ulan
Nakakapagod ang paglalakbay
Sa tuwing nasa bahay na ako
at matutulog
Napakaalamig ng aking gabi
Kahit nakapatay ang electric fan
dahil ako’y mag-isa
walang kayakap kundi ang aking unan
Naghihintay ng mga text sa celfone
Ilang sandali na lamang ay papatak ang aking luha
Kasabay ng pag-ulan sa labas ng aming tahanan
Sapagka't sa tuwing umuulan
Maraming alaala ang nagbabalik
Malungkot...
At ako'y dadalawin ng antok
Kinabukasan...
Papasok na naman
Lalandasin ang mahabang karagatan
Nakikinig sa "Balasubas at Balahurang" Tambalan
Nag-aabang ng bahaghari sa kalangitan
Na magsasabing tapos na ang ulan
Ganito ang aking araw-araw na pakikipagsapalaran
dahil...
Tag-ulan na Naman
(emote lang)

8 comments:

Chyng said...

Ang Pedro Gil River ba ay kapareho ng aming Water World Malabon? (--,)

oyayi26 said...

mukhang walang kawangis ang water world malabon. ika nga ni ai-ai sa pelikulang ang cute ng ina mo, "kapag dumura ang tatlong maton, tiyak na ang baha sa malabon"!

Yffar (^^,) said...

@chyng
hahahaha! river lang po ang pedro gil.. hehehehe. hindi po ocean

Yffar (^^,) said...

@darius
naaalala ko yang quote na yan ni ai-ai...

malabon talaga...

lubog..

Luis Batchoy said...

oo nga
tag ulan na naman
at bumabaha na naman
ng lungkot at pangungulila
lamig no?
heheheheh

Anonymous said...

it's raining
raining
o baby it's raining
raining...

hehehe

Abou said...

naks bilib ako he he

Unknown said...

Crying in the rain matanda para mejo masaya ung pork chop ang kumanta comedy maalis stress mo

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online