New Blog Site (Click here):

Dear Kuya: My First Bisexual Buddy

Friday, July 11, 2008

Dear Kuya Yffar,

I just want to share how I met my first boy friend and kung paano ako naintroduce sa mundo ng Bisexuality. It happened noong first year college pa lang ako sa Letran. Laboratory Class namin yun tapos ako ang last person to go out of the room kasi may mga inayos pa akong mga gamit. Out of my knowledge, may nag-aabang pala sa akin sa hagdan. Si Jay, hindi niya totoong pangalan. Kinorner nya ako sa pader then niyakap niya ako bago hinalikan. Sa pagkabigla ko, nasapak ko siya at tinanong ko kung bakla ba siya kasi sa pagkakaalam ko ay may girl friend siya noong mga panahong yun. Inamin niya sa akin na matagal na niya akong gusto at noon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin at iparamdam sa akin.

After niyang sabihin sa akin yun, derecho na siyang umalis. Nung umuwi ako sa dorm ng mga ka-varsity ko. Nakahiga akong tuliro at balisa. Naguguluhan dahil nung hinalikan niya ako, parang may “spark”. Nararamdaman ko pa rin ang halik niya. Sa kakaisip tungkol sa kanya, unti-unti na lamang akong nakatulog.

Kinabukasan, mga 9am at practice naming mga varsity. Nagpunta ako ng gym para magpalit ng damit. Pagkabukas ko ng locker ko, may nakita akong rose at may note na, “meet tayo outside ng gym”. Lumabas ako ng gym gaya ng instruction sa letter, at nandoon nga si Jay. Nilapitan niya ako tapos sinout niya sa left paa ko ang anklet na may combination ng mga kulay na pula na sumisimbolo ng kanyang puso, puti para sa purity ng nararamdaman nya para sa akin, at kulay blue na nagpapakita ng maharlikang pangtrato siya sa akin. Tinanong niya ako kung maari akong maging boy friend niya. Sa curiosity ko, kaya sinagot ko siya at nagging kami nga.

Since then, lagi na kaming sabay kumain at naghihintay siya sa akin kapag matatapos na akong magpractice. And siyempre nanood kami ng movies na kaming dalawa lang. Umabot kami ng mahigit isang taon. Hindi kami nagtagal sa kadahilanang kailangan na niyang magmigrate sa Canada kasama ng kanyang family. Malungkot at matinding iyakan ang nagyari.

One week bago siya umalis, Nagdinner kami sa Antipolo. Kitang-kita namin ang mga ilaw ng Metro Manila. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko noong gabing ‘yon dahil kasama ko siya subali’t sa kabila ng aking isipan ay ang kanyang paglayo.

Tuluyan na nga kaming nagkahiwalay. Nagcha-chat at nagpapadala kami ng e-mails sa isa’t isa sa loob ng dalawang buwan. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nagdesisyon na itigil na ang relasyong namamagitan sa aming dalawa.

Magkaiba na ang landas naming tinatahak. Ako ngayo’y may bago ng nobyo at nagsisikap sa pag-aaral. Ang huing narinig ko sa kanya’y mayroon na siyang sariling pamilya at may dalawang anak.

Ito ang istorya ng aking unang pag-ibig sa kapwa lalaki. Masaya sa simula subali’t hindi happy ang ending. Pero kahit ganun, sobrang memorable at hinding hindi ko malilumutan kalian man.
Lubos na Gumagalang,

Steve

5 comments:

Chyng said...

hi! i like the "RESPECT IS WHAT WE ASK FOR, NOT FOR YOU TO UNDERSTAND." ung sa "munting kahilingan section.

i want to share a quote din, baka makatulong sa blog mo. and hope you post it.

The choice we have isnt whether to be gay or straight..
The real choice is between denial and embracing who we are.
The real choice is between living life in the shadows or walking proudly in the light.
The real choice is between a slow death and an honest life.." -Adam Bouvier

Yffar (^^,) said...

hehehe..

yan nga yung quote na motto ko sa org ko... specially yung "the real choice is between living life in the shadows or walking proudly in the light...

Wilberchie said...

One of the sad story nang mga katulad natin.

PEro marami pah. I'm sure hindi lang si Steve ang nakaranas nyan...

Pero I'm proud of you Steve ah!

hay. sarap. pero ouch.

Anonymous said...

hi sa lahat!!!!!yfarr thank 4 the space 4 my ri'l story hope na maging daan to para maisip ng kapwa natin na hindi natin pinili na maging ganito at jindi natin kasalanan,kusa itong nararamdaman,as far as i am concern being a bisexual is not a crime or a crse it is just being dfrent,being true of what you feel and being transparen thru all the people you encounte,,,,,,,,,,salamat sa mga nad coments this is steve,,,,,, deus patria ariba letranista!!!!!!!dugong ariba,dugong letranista!!!!!!ariba letran

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online