New Blog Site (Click here):

Echos: My Coming Out Story

Saturday, July 12, 2008

Paulit-ulit akong naglalabas masok sa pinto ng aking silid. Balisa at hindi mapakali.

“Nay”, aking sambit habang nakatingin kay nanay.

“Bakit?”, kanyang tugon.

“Ah, wala..”, sabay pumasok ako ulit sa kwarto.

Ilang saglit ang lumipas…

Sa maka-apat na ulit lumabas ako ulit ng aking kwarto.

“Nay?”, pang-ilang beses ko ng pagtawag sa aking ina.

“Hmm… May sasabihin ka noh”, habang nag-aabang siya sa kung anumang ibubulalas ng aking bibig.

Matagal kaming nanahimik. Nakatitig sa isa’t isa. Hanggang sa bigla akong nagsabi ng..

“Nay, may bisita po ako mamaya, BOY FRIEND ko”

“Bakla ka?!” pabigla niyang tanong

Wala na lamang akong nagawa kung hindi ang tumango na tanda ng aking pag-amin. Noong mga oras na iyon ay handa na ako sa kung anumang reaksyon ang maipamamalas ang aking ina. Ako ba’y sasampalin… palalayasin… oh di kaya’y pagsasalitaan ng masasakit na kataga.

“Matagal ko ng alam. Bata ka pa lang nararamdaman kong lalaki kang ganyan.”, wika ng aking ina.

“Hindi ka galit?”, tanong ko sa kanya

“Bakit ako magagalit? Wala na akong magagawa kung ano ka man ngayon. Tanggap kita bilang ikaw.”, Matapos nyang sabihin ang mga bagay na iyon ay niyakap niya ako. Sobrang higpit. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ang mga luhang pumatak sa aking mga mata ay sobrang nakagaan sa bigat na aking pasan pasan noong ikinukubli ko pa ang aking tunay na pagkatao.

“Nay, anong oras ka papasok, papakilala kita sa boy friend ko, sabay tayong mag-lunch”, aking paanyaya sa kanya.

Subali’t hindi na sila nagkatagpo ng aking kasintahan noong araw na iyon sapagka’t maagang pumasok ang aking inay sa kanyang trabaho at medyo tanghali na ng makarating sa Maynila ang aking boy friend na nanggaling pa sa Laguna.

Simula noon…

Lagi akong tinatanong ng nanay kung saan ang rampa ko. Tuwing Sabado ay alam na kaagad niya na laman ako ng Malate. May mga okasyon pa nga na sumasama siya sa gimik naming magbabarkada sa mga bars.

Naaalala ko pa noong bata ako…

Tuwing tinatawag akong bakla dahil medyo malamya nga akong kumilos, lagi akong tumatanggi. Hindi ko naman talaga masabi kung ano ba talaga ako. Mangmang pa ang aking isipan sa mga bagay bagay ukol sa aking kasarian. Lagi pa nga akong nakikipag-away na minsan ay humahantong sa baranggayan. Sa kabila ng lahat, wala ng ginawa ang aking inay kung hindi ipagtanggol ako sa mga taong iyon.

Sinubukan kong mamuhay na parang tunay na lalaki. Sumasama ako sa tiyuhin ko sa ibang bayan para magkabit ng kable ng kuryente. Nagpipintura at nagkakarpentero din ako kasama ang aking tatay. Nagmahal din naman ako ng babae. Lahat iyon ay nagawa ko na. Nguni’t hindi pa rin ako nasiyahan. Hindi ako ito. Ibang mundo ang nais kong galawan…

Ngayon….

Masaya ako bilang ako…

Tanungin man ako kung bakla ako…

Wala akong pakialam sa sasabihin ng lahat ng tao…

Taas noo akong maglalakad

…na may pilantik ng daliri

…may konting kembot

…sabay sabi ng:

“Yes marse… ECHOS!”

6 comments:

erin de la cruz said...

nung sinabi ko yan. bigwas ang abot so aking mudra.

saludo ako sau raffy!!!

Yffar (^^,) said...

ahihihih..

depende lang yan sa mga magulang...

ang next na ipopost ko eh ang reaksyon ng ibang family members aside from my nanay..

kasi iba iba ang mga reaksyon ng mga tao..

MINK said...

mejo na ngilid luha ako dito sa post mo... parang nakikita ko ang sarili ko sa iyo in the near future...

linked u up dude

Wilberchie said...

isang pilantik ng daliri for your mom!

Kaloka! Mabuhay ang mga inang ganyan!

Yffar (^^,) said...

hahaha..

ang mudra ko
may clan din..

taray di ba

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online