New Blog Site (Click here):

Essay: My Pink Goverment

Wednesday, July 16, 2008

President na ako ng Pilipinas? Di nga? Hindi ako makapaniwala. 21 years old pa lang ako para maging pangulo ng Pinas. Aba! Winner ang lola nyo. At least natalbugan ko ang Nepal na may first politician lang. Eh akesh, first leader ng buong bansa. Hindi lang sa Asia nakapagbreak ng record, maybe sa buong mundo pa di ba?! Biruin mo yun, hindi lang si Pacqiao ang nagbigay ng karangalan sa bansa, ako rin na isang bading. May world record na, title holder pa.

Mahirap yata ang katungkulan bilang isang pangulo. Hindi na akech makakaparty sa Malate kapag Sabado kasi baka may mga magbanta sa aking buhay. At kung papayagan man nila, baka may kasamang Presidential Body Guards pa. Hays.. Hindi yun enjoy. Well, that would be the price to pay if you will become a public servant. You really have to sacrifice a lot of personal happiness and focus on the responsibilities vested upon you. Naalala ko si Princess Emeraude sa anime na Magic Knight RayEarth, bilang haligi ng Sipiro, kailangan nyang magdasal para sa ikabubuti ng lahat ng nasasakupan niya, at kinailangan niyang iwanan ang lahat ng personal na kaligayahan. Boring din ng buhay niya di ba. Kung lahat sana ng pulitiko ay kagaya ng prinsesang ito, kahit 70% lang ng pag-layo sa pansariling kapakanan, do you think uunlad ang Pilipinas? Aba oo siyempre naman. Mawawala ang graft and corruption na siyang hadlang sa pag-asenso ng bayan natin.

Ano kaya ang mga presidential decrees na ipapatupad ko? Hmmm. Una sa priority ko ang Anti-Discrimination Bill na hanggang ngayon ay ipinaglalaban namin. Kailangang alisin ang maling pakikitungo sa mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community. Kailangan nating maisakatuparan ang naturang batas dahil makakamit lamang natin ang tunay na kasarinlan kung may pantay pantay na karapatan kahit ano pa man ang iyong kasarian. Let’s face it, hindi lang racial discrimination ang talamak noh, pati ang gender discrimination. Hahayaan ba nating may mga lesbiana pang ipagahasa ng kanilang mga magulang? Oh ang pagbugbog sa mga bakla dahil hindi matanggap kung ano sila? Ang masigawan nga lang na BAKLA oh TOMBOY eh isang uri na ng diskriminasyon. Kailangan na itong matigil. As in now na! Kalaboso ang hatol sa mga magdidiscriminate sa atin.

Mukhang mahirap tanggapin sa konserbatibong konteksto ang “same sex marriage”, kung hindi ko man ito maipatupad, ipagpipilitan ko pa rin ang pagsulong nito. Sa aking point of view, hindi lang ito para maging legal ang samahan ng mag-asawang bahagi ng LGBT Community, magkakaroon din sila ng sense of security at upang makapamuhay ng normal. Hindi lang mga straight ang may karapatang umibig at mabuhay na kasama ng taong mahal nila, lahat tayo ay may pusong pwedeng tumibok sa kung sino man ang naisin nito. Mahaba habang debate ito at kailangan kong mapag-isa ang sangkabaklaan sa Pilipinas upang ipakita sa buong bansa na maraming nag-aasam ng ganitong uri ng kalayaan. Kung hindi talaga papayagan, e di fly ako sa California at maging citizen nila at doon magpakasal. Ang problema lang, hindi ko kayang iwan ang bansang Pilipinas, mahal ko ang bayan ko, kaya hanggang kaya ko, dito pa rin ako magsasabi ng “I DO” sa FIRST GENTLEMAN ko.

Sa aking pamamahala, magkakaroon ng Center of LGBT Affairs. Ito ang bahagi ng pamahalaan na tutulong sa mga batang pinapalayas ng mga magulang dahil sa sila ay bakla o tomboy. Kung maari ay ika-counsel ang mga naturang magulang upang mahalin kung ano man ang kanilang mga anak. At kapag hindi pa rin nila mayakap ang kapalaran ng kanilang mga supling, mga surrogate parents na muna ang mag-aaruga sa kanila hanggang sa sila ay lumaking responsableng bakla na kayang tumayo sa sariling mga paa. Isa pa sa mga programa ng naturang center ay ang pagpapalawak ng mga Home for the Aged na nakafocus sa mga matatandang bakla at tomboy dahil hindi naman lahat ng matatandang LGBT ay may mga pamilyang mag-aalaga sa kanila.

Gusto kong maintindihan ng lahat ng Pilipino kung ano ba talaga ang mga gays, lesbians, bisexuals at transgenders. Tamang edukasyon lang ang kailangan ng mga mamamayan upang maunawaan nila ang aming nararamdaman. Kung ano ba talaga kami. . Before ay kasama kami sa mga may abnormal behaviors, well, studies proved that we’re not. Kami’y mga normal na tao na gusto ring mamuhay ng normal. As much as possible ay nararapat na maisama ito ng Department of Education sa mga kurikulum ng mga mataas at mababang paraan.

Pagyayamanin ng aking administration ang mga hanapbuhay na related sa mga LGBT. Kung tutuusin talented ang mga taong kagaya ko at gagamitin ng bansa ang kanilang talino upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oh di ba! Bonggang Bonga ang aking Pink Government. Hindi ko naman babaguhin ang Pambansang Wika mula Tagalog at magiging Gay Lingo, gawing rainbow ang kulay ng watawat, aawitin tuwing flag ceremony ang “Through the Fire” or “Shine” bilang national anthem, at ipoproklama na ang bagong pambansang bayani ay si Danton Remoto. Ang aking plataporma ay nakatuon sa pagpapalawig ng equal rights at pagsagot sa kahirapan.

Teka. Bakit may naririnig akong ring tone. Paulit-ulit. Nakakabingi. Alarm clock lang pala ito ng aking mumurahing cellphone.

At nagising na nga ako. Panaginip lang pala ang lahat. Isang panaginip na sana ay maisakatuparan. Hindi man sa aking kapanahunan ay matamasa sana ng mga susunod na henerasyon ng mga bakla at tomboy ng bansang aking kinabibilangan.

9 comments:

Wilberchie said...

ay nako bakla! Sana nga ikaw na ang pangulo ng Pilipinas! Ako ang Justice secretary mo!

Yffar (^^,) said...

hehehe..
sureness...

jericho said...

ayos ang panaginip ah. pwede akong mag-volunteer sa sperm bank? hehe

Chyng said...

another thing, dapat meron na punishment against verbal abuse regarding sexuality. para maiwasan na yan!

how's GOVERNMENT? tagal ko na di nakarampa jan! (--,)

Lyka Bergen said...

Aaaay! Bonggalore, India pala kung ikaw ang Miss Gay President! Kalokah ka!

Anonymous said...

hahaha... at first i thought it'll be real. hahaha. anyway, salamat po sa pag link. ingat lagi!

raffy for president... este fwezeedenth!! echoz!

wag mo kalimutan akech sa cabinet, este "closet" members mo ha!!

oyayi26 said...

mabuhay ka kapatid! susuportahan ko ang lahat ng iyong mga panukalang batas! magboboluntaryo din akong adviser mo (kung tatanggapin mo ako) para hapi ang gabinete o senado mo! at bilang unang payo, hindi presidential degree ate, decree ang tamang terminolohiya! do bale, si gloria nga, nakukurynte. ikaw pa na baguhan, choz!

Yffar (^^,) said...

HAHAHA.

di ko napansin yun ah

ahihihih

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online