Hey bading, bet mo bang yumaman?
Girl, huwag kang hipokrito. Oo. Yan naman talaga ang i-isplukelya mo. Malamang bet mong magkaroon ng sandamakmak na andabells.
Bakit? Para makuha ang lahat ng gusto mo? Para hindi ka na aapihin ng mga taong nakapaligid sa’yo? Para umasenso ka at makaalis sa putik na kinalalagyan mo? Para mabili mo ang lahat ng boylets na pinagpapantasyahan mo? Para ibigay ang respetong dati ay wala sa iyo?
Sabihin na nating limampung taon mula ngayon ay aba! Yumaman ka nga! Paano kaya? Nanalo ka sa loto. Naka-jackpot ka sa Wowowee o sa Eat Bulaga. Nakapulot ka ng tsekeng naglalaman ng daang milyong piso. Heto, seryoso na. Nagpursige ka at yumaman dahil sa dugo’t pawis na iyong isinakripisyo sa pagta-trabaho. Bongga ka sister! Pero sa mga panahong mayaman ka na ay senior citizen ka naman. In other words, isa ka nang gurang. Thunder Bird!
Ano nga ba ang awards mo kapag senior citizen ka na? Bawas na ng piso ang jumasay mo sa jeepella. Discounted na ang gamot mo sa botika. May bagets na aalalay sa’yo sa pagtawid sa kalsada. May sarili ka nang puwesto sa MRT at LRT. Winner ka! Kaso, lotlot ka naman din. Bakit? Kasi wit na ang beauty mo. Julubot na ang balat mo. At, uhm, amoy alam mo na. Lupa. Huwag kang masasaktan, yan ang katotohanan.
Face it mare, humarap ka na sa Manila Bay dahil malapit na ang sun set. Are you afraid of the dark? Mayaman ka na ‘di ba. You can prolong your life. Andami na ng mga products sa market. Pangontra sa diabetes, arthritis, osteoporosis, at iba pang sakit na nagshoshow kapag thunder bird ka na. Kulang na lang madiskubre ang fountain of youth para sa’yo. Nakaparami mong mabibili. Kahit lalaki. Kurak! Pati lalaki lalapit sa’yo. Dahil taglay mo ang 4 M. Ano ang 4M? Four Million? Pwede rin. Kasi madami ka nang julapi. Pero ang 4M ay Majondang Manyomang Malafit Mategi.
Maskara. Ito ang suot ng mga taong nakapaligid sa’yo dahil isa kang Golden Gay. Oo, tama, ginto! Ginto ang katumbas mo sa mga treasure hunters everywhere. May nakangiti. May nakangiti. May nakangiti. At siyempre, may nakangiti. Nguni’t try mong alisin ang maskara nila. Sari-saring mukha ang masa-sight mo at hindi ang huwad na kinang ng kanilang mga ngiping kumukutikutitap. Sino pa? Ang mga kamag-anak mo na malapit, malayo, medyo malayo, malayu-layo pa ng konti, at mga kamag-anak mo daw dahil ang lolo ng lola mo ay pinsan ng kumare ng kachokaran ng katulong ng lolo ng lola ng kumare ng pinsan niya, malabo ba? Ako rin nalabuan dahil wala naman kayong connect sa isa’t isa. Mangungutang at mangungutang sa’yo. Dahil may sakit ang anak niya, mapuputulan na sila ng kuryente, wala na silang makain, manganganak na ang aso nila, at lahat na ng hinaing maririnig mo. Hindi mo ba naalala na noong bata ka ay hindi ka nila tanggap na bakla ka? Pero maaawa ka. Dahil sa likas na mabait ang mga bakla, give lang ng give at sila, take lang ng take.
At siyempre, ang mga kampon ni Satanas na ang sandata ay sawa. Magpapahalik ka ba sa Hudas? Paano kung hindi kahawig ni Hudas, Barabas, o ni Hestas? Bagkus, nagpapakabait gaya ni Kristo pero ang mukha, huwag ka! Kay Piolo o kaya’y kay Dingdong. Eh di Go ka lang ng Go. Loka, baka hindi lang kiss ang ibibigay mo, magwiwithdraw ka pa sa bangko. Limang daan ang minimum, pang-load pa lang ‘yon. Ibibili mo pa sila ng gamit, damit, sapatos, Ipod, PSP, 3G Phones, laptop at marami pang iba. Ipapaayos mo pa ang kanilang barong-barong. O kaya’y dadalhin mo pa sa HongKong para lang ipasyal. Kapag nasa kama, ay pakipot, nguni’t kapag nakaamoy na ng salapi, patitikimin ka ng mansanas na ipinagbabawal kainin sa paraiso. Minsan babaligtarin ka pa. Ang sasabihin ng mga gigolo mo ay sex lang ang habol mo sa kanila, pero ang totoo, ang kaban ng kaha de yero mo ang puntirya nila. O di ba. Kahit papaano may alam sila sa reverse psychology.
Minsan, madadala ka sa emosyon na ipapakita nila sa’yo. May magsasabing mahal na mahal na mahal ka nila at aalagaan ka nila. Diyan ka mag-iingat. Malay mo, ang gamot na ipapainom sa’yo, lason na palang unti-unting tsutsugi sa beauty mo. Naku, ipinangalan mo na pala sa kanya ang lahat ng ari-arian mo. Ito pa, baka naman matapos makuha ang lahat sa’yo ay itapon ka sa Home for the Aged. Napaka-telenovela no? Pero hindi mo maiiaalis ang possibility na maaaring mangyari ito sa totoong buhay. E di bida ka sa soap opera pero hindi naman ipapalabas sa TV.
Huwag ka nang malungkot. Hindi naman lahat ng tao ganun. May mga magmamalasakit pa rin sa’yo. Nariyan sila para damayan ka kahit wala namang kapalit. Ito ay ang mga taong handang umunawa sa’yo. Naniniwala ka ba sa karma? Naalala mo ba ang mga ginawa mo noon? Gumawa ka naman siguro ng kabutihan. Lahat ng ito ay babalik sayo ng tatlong ulit ang bigat. Kung maghahanap ka naman ng katuwang mo, at alam mong bata pa sa iyo, siguraduhin mong may malawak siyang pag-iisip. Yung malinis ang intension sa iyo. Paano mo makikita ang taong ito? Mahihirapan ka dahil ang mga maskara ng karamihan ay mukhang totoo. Ipikit mo ang iyong mga mata at takpan ang mga tainga, hayaang puso ang makinig at utak ang tumingin, makikita mo ang mga totoong tao sa hindi. Mahirap? Oo, ang masaklap lang nito ay kung mali ang desisyon na gagawin mo. Pero, huwag kang mawalan ng pag-asa, hindi naman masamang maniwala sa TRUE LOVE kahit may edad ka na dahil ang bow and arrow ni kupido ay walang sinasanto, kahit Baclaran at Monumento ang agwat ng edad ninyo.