"Ganti"
Mag-iika anim na ng gabi. Tanaw mula sa bintana ng silid aralan ang paglubog ng araw. Handa na ang mga gamit ng mga bata at nakaimpake rin ang kanilang mga aklat at kwaderno. Biglang tumunog ang bell ng paaralan na naghuhudyat na tapos na ang klase para sa araw na ito.
“Children, tapos na ang klase! and remember! Be happy!” at nagpaalam na si Divina sa mga bata.
Isa-isang nagsilabas ng kwarto ang mga bata. Uuwi na rin sana si Divina ng may napansin siyang nakaabang sa kanya sa pinto ng kanilang silid.
Namumukhaan ito ni Divina. Si Terry, ang kanyang nakatatandang kapatid. Maglalakad si Divina palabas ng pinto nang tanungin siya ni Terry, "May relasyon ba kayo ng asawa ko?"
"Relasyon?" patanong na tugon ni Divina.
"Relasyon! Querida! Kabit! Number 2! Mistres. Relasyon!" at tiningnan ni Terry si Divina mula ulo hanggang paa.
"Terry!" sambit ni Divina.
"Wag mo akong ma Terry Terry. Sagutin mo ang tanong ko.Are you fucking my husband!?" pasigaw na bigkas ni Terry.
HIndi na lamang umimik si Divina sa mga paratang ni Terry.
"Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!" wika ni Terry kay Divina,"Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain. Sayang ka, maganda ka, edukada, pero tanga!"
Iiwasan na lamang sana ni Divina si Terry at aalpasan na niya ito subali't hinablot siya sa kanang kamay at sinabing, "Hoy babae, hindi pa tayo tapos!"
Nabitawan ni Divina ang kanyang bitbit na gamit at nagpatuloy si Terry sa pagsasalita, "Ikaw ang matalino! Ikaw ang maganda! Ikaw ang mahal ng itay! Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin! Lahat!"
"Wala akong ginagawang masama!" at ikinalas ni Divina ang kanyang kamay sa pagkakakapit ni Terry.
"Akala mo lang wala! Pero meron! meron! Meron!" at sinampal ni Terry si Divina.
Namula ang pisngi ni Divina sa lakas ng pagkakadampi ng kamay ni Terry.
Dinama ni Divina ang kanyang mukha, "Ate, please!"
"Huwag mo akong ma ate ate! Ampon! Ampon! Ampon!" sa pagkakataong ito, higit na mataas ang tono ng pagsasalita ni Terry kay Divina.
Nang marinig ni Divina ang katagang ampon ay nagpantig ang kanyang tainga. Nagbalik sa kanyang alaala ang nakaraan at itinigil na ang pagtitimpi, "Tama na!"
"Ibalik mo sa akin si Jun-jun! Mamamatay ako!" pagalit na bigkas ni Terry.
"Ipalilibing kita!" pagmamatigas ni Divina kay Terry.
"Hayop! Hayop! Hayop!" sasampalin sana ulit ni Terry si Divina sa kanang pisngi subali't napigilan ito ni Divina gamit ang ang kanyang kaliwang kamay. Gumanti si Divina ng sampal kay Terry.
"Nung inagaw mo sa 'kin si Alex muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay" wika ni Divina.
Nagkaroon ng katahimikan. Tinitigan ni Divina si Terry. Ganun rin si Terry kay Divina. Wala mang salitang namumutawi sa kanilang mga labi ay nangungusap ang kanilang mga mata. Ang maririnig mo lamang sa kanilang dalawa ay ang mabilis na pintig ng kanilang mga puso at ang kanilang paghinga. Ilang minuto rin silang walang imik at matagal tagal ring nagbaling ng tingin sa isa't isa.
Inalayo ni Divina ang kanyang mga mata kay Terry at pinulot ang kanyang mga gamit sa lapag. Habang naglalakad ay may luhang pumatak sa kanyang mga mata.

Reference Movies:
"Mila"
"Ikaw ay Akin"
"Brutal"
"Minsan Lang Kita Iibigan"
“Dapat Ka Bang Mahalin?"
"Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin"
"Nagbabagang Luha"
"Bata, Bata, Paano Ka Ginawa"
"Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi"
"Ina Ka Ng Anak Mo"
"Palimos ng Pag-ibig"
"Paano Ba Ang Mangarap"
"Abandonada"
"Mila"
"Ikaw ay Akin"
"Brutal"
"Minsan Lang Kita Iibigan"
“Dapat Ka Bang Mahalin?"
"Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin"
"Nagbabagang Luha"
"Bata, Bata, Paano Ka Ginawa"
"Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi"
"Ina Ka Ng Anak Mo"
"Palimos ng Pag-ibig"
"Paano Ba Ang Mangarap"
"Abandonada"
7 comments:
hhmm hindi ako familiar sa ibang movies and lines..
hahahahah! kala ko totong kwento tapos nung nakita ko na yung ibang famous lines natawa na lang ako..
hhahah
ganun. :P
naka site naman yung movies...
panalo! Ito yung height ng tinatawag nilang "Intertextuality"! HAHAHAHA
@luis batchoy..
wow may tawag pala sya...
hahaah. kasi assignment ko lang yan.
oo yun ang tawag dun. Inter textuality! Heheheh kaloka no?
kaloka ang word verification
undie!
okay... napanood ko lahat yang pelikulang yan.... pero nung binabasa ko yung kuwento, you got me all confused.... shet ang ganda kasi ng pagkakagawa... solido hahahaha... kaso nabasa ko yung refeences... yun, tama nga ako, lahat nung linya galing sa iba't ibang pelikula...
@luis.... uu ngah kaloka... may tawag pala sa ganyan...
sa literary pieces at least yan ang tawag. Pag gumamit ka ng mga karakter galing sa iba't ibang mga katha. Yun ang intertextuality
Post a Comment