New Blog Site (Click here):

Pride Season is ON!

Friday, August 8, 2008

As much as possible, ayokong magpost ng too personal na posts sa blog na itech. Dapat relevant sa buhay buhay bilang isang bakla. Kaso since ako'y isang bakla, perhaps ang post ko na ito ay magiging relevant naman kasi ako nga naman ay isang bading. Echos!

Yesterday, 3:30 am ako nagising para mag-encode ng proyekto ng aking mahal na kapatid. Ano pa nga bang magagawa ko eh sobrang hindi ko siya mahindian. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang nakakatandang kapatid. Yun lang, napaka-aga ko nagising at derecho pasok kaya haggard. Habang nagbro-browse ng emails, may nabasa akong announcement na may meeting ang Task Force Pride ng 6:00pm sa Cafe Molinari sa Quezon City, malapit sa Quezon City Hall. Ang Task Force Pride nga pala is a network of LGBT individuals and organizations na nagtutulong-tulong sa pagcecelebrate ng Pride Month.

Instead na sumama ako sa dinner sa korean restaurant at magpakabundat, naisip ko na lang na magpunta sa meeting na ito sapagka't ito ang annual commitment ko. Hay. Nakatulog pa nga ako sa FX dahil sa sobrang pagod, Ito na ang pangatlong taon na ako'y sasali sa naturang parada. Winner. Kagaya last year, naramdaman ko ang saya sa paglalakad para sa equal rights ng mga bakla.

Nakarating ako sa venue ng quarter to 7. Ang saya ko kasi kasama ako sa mga nakadalo upang pagplanuhan ang Pride March 2008. Kasama sa mga natalakay ang possible dates at venue. Target dates namin ay sa December 5, 6, at 7 at ang mga napipisil na venue ay sa Makati, Manila, or sa Quezon City. Ang magiging partisipasyon ng organisasyon ko ay ang Sports Festival sa November na dadaluhan ng iba't ibang LGBT organisasyon sa Pilipinas. Bongga! Grabeh excited na ako. If mababasa to nila Wilberchie and yung ibang bloggers na diwatang kagaya ko, you are all invited!

On the other side, noong kaming tatlo na lamang nina Del at Calvz, madami kaming natalakay about LGBT issues. Todo sa brainstorming. Kasi in the near future, kaming tatlo ay magiging full time na makikibaka tungkol sa karapatan ng mga bakla. As of now, in our own simple ways, gusto muna naming makatulong sa LGBT community. Parang ako, dinadaan ko sa pagba-Blog ang aking advocacy.

Isa sa mga quotable quotes naming noong gabing iyon ay ito:

“Ang instinct ng isang straight na lalaki ay makahanap ng isang babae at magkagusto dito. Kaso tayo hindi eh. Kapwa lalaki talaga ang hinahanap natin. Ang that makes us different.”

Larawan (part 1)

Wednesday, August 6, 2008


Alas tres ng hapon. Sa Mcdonalds SM Manila. Nakaupo ako sa isang mesa at pinagmamasdan ang mga larawan namin ng aking kasalukuyang boyfriend. Habang nakatitig sa mga naturang letrato ay napakaraming ala-alang nagbabalik sa aking isipan...

Six months ago, nakareceive ako ng isang text na galing sa isang hindi ko kilala.

"Hi. I'm Miguel. Nursing student from Laguna. I saw your pictures sa friendster and your number was included there. Can we be friends? Asl pls..."

Nagreply naman ako.

"Sure. I'm 18/m/manila."

Isa raw siyang half-Australian at half-Filipino. Matangkad at artistahin. Pinakilala ko rin ang sarili ko. As much as possible, yung totoong ako. Ayokong magpretend kahit sa text lang. Para pag ayaw niya sa akin, at least alam ko kung saan ako lulugar. At mahabang pagpapalitan ng text messages ang naganap sa buong maghapon ng bigla siyang magtanong ng...

"Single ka ba?"

Nagtext back ako na...

"Single po.. Why??

Sa likod ng aking isip ay medyo naguguluhan ako kung tama ba ang ni-reply ko sa kanya. Kasi naman, kakabreak lang namin ng boyfriend ko kagabi at may gustong sumalo na naman sa akin. Pero I have to move on. Kailangan ko ng kalimutan ang masakit na nangyari sa amin ng ex ko.
Habang nakatulala sa soccer field ay nagvibrate ang aking cellphone na naka silent mode. Nabasa ko ang mensaheng ito.

"I find you interesting kasi... Your personality. Smart ka rin. Cute ka sa mga pics mo. Can we meet?"

Hello... Meet? Taga Laguna siya at taga Manila ako. Ang hirap naman nun. Besides, madami akong homeworks to do. Mahirap na noh. Naku, nagvibrate ulit ang cellphone ko. Siya na naman at nagpahabol ng...

"Don't worry, ako na ang magbibigay ng pamasahe mo. Yung papunta lang sagutin mo. When you come here, I'll pay you your fare na papunta't pabalik"

Aba. At naengganyo pang manlibre ng pamasahe. Nagreply nga ako ng:

" Pag-iisipan ko. Madami akong home work sa Anatomy class ko"
Ang kulit talaga at nagreply din ng:

"Nursing student ako remember? Marami akong books dito, sinong author ba ang kailangan mo? Help na lang kita"

Hindi rin siya makulit. Ubod lang ng kakulitan. Sabagay, makakatulong rin siya sa homework ko. Lagi rin naman itong ginagawa ng mga ex ko. Kung magkakataon, siya na ang pang apat na boyfriend kong nursing student.

Sabado na nga ng umaga at nagpunta ako sa bus station. Halos isang oras din ang biyahe. Nakiayon ang panahon. Maaliwalas. Hindi ko napigilang makatulog at pagkagising kon ay nasa Sta. Rosa na nga ako. Sumakay pa ako ng jeep papuntang Tagaytay at bumaba sa school nila. Halos labing limang minuto akong naghintay. Naiisip ko ang mukha ni Miguel dahil nakita ko na siya sa friendster bago pa man ako pumunta dito. Grabeh, kinakabahan ako ng bigla na lamang may lalaking nakamotorsiklo at nagtanong sa akin ng...

"Macky? Ikaw ba yan?"

Natulala ako sa simula. Hindi nakapagsalita. Oo nga, gwapo nga siya. Napahikbi na lang ako. Hay... dumating din
siya at pinasakay niya ako sa motor niya. Sa totoo lang hindi ako sanay na sumakay sa motor. Kaya napayakap ako sa kanya habang umaandar at tumatakbo ito ng mabilis. Feeling ako isa akong prinsesang nakasakay sa kabayo habang kasama ang aking prinsipe...

Niyaya niya akong kumain sa isang restaurant na kamag-anak niya ang may-ari. Napansin niya na matakaw ako kaya nag-order pa siya ng maraming pagkain. Kinilala ko ang mga sinabing tiyahin niya at nalaman kong kapampangan sila. Nakakatuwa naman at naging ka-close ko na sila kaagad.

"Taga nokarin ka tung?" (taga saan ka iho?)

"Menila pu dar. Manyaman kong magluto neh pu." (manila po tiya. masarap kayong magluto ano po.)

Matapos kumain ay inaya ako ni Miguel na sumama sa kanila sa bahay nila. Maglalabas sana ako ng pera pambayad sa mga kinain ko subali't hindi ito pinayagan ni Miguel at siya ang nagbayad.

"Tara, ako lang mag-isa ngayon sa bahay... Pahinga ka muna, medyo napagod ka ata sa biyahe"

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Nag-iinvite na siya na umuwi. Madaming mapaglarong bagay ang lumalabas sa aking utak. Baka naman manyak tong lalaking toh at ayain akong makipagsex sa kanya ng sapilitan. Serial killer ba siya na pumapatay ng bakla? Nakakatakot. Hay...
Sakay ng motorsiklo ay nagpunta kami sa isang upahang bahay na tinitirhan ni Miguel. Dahan dahan akong naglalakad dahil sa kaba.

Nasa harap na nga kami ng unit ni Miguel. Bubuksan na niya ang pinto...

"Sir Macky?"

Lumapit sa akin ang crew ng McDo. Inabot ang coke float at french fries na inorder ko at kinuha ang number na nakalagay sa table ko.

Nakangiti ako sa crew at nagsabi ng, "Thanks!"

Antagal ah. Sabagay. Katulad ng una naming pagkikita ni Miguel, naghintay din ako ng ganito katagal.


(itutuloy...)

Case Study: Panayam kay Ed, isang Badet

Sunday, August 3, 2008

I. Talasalitaan

BADET
-Nanggaling sa pinagsamang dalawang salita na "Bading" at "Bagets" na ang kahulugan ay batang bakla.
-Ibang kasingkahulugan: BAKLING


II. Kasaysayan

Sa isang house party ng isang bisexual clan na aking dinaluhan (masabi lang na bisexual kahit na yung iba eh becking becky), may nakilala akong isang batang bakla na kasama sa mga performers sa naturang gabing iyon. Naging focus siya ng aking attention dahil siya lang ang namumukod-tanging minorde edad. After ng bonggang bongang production number nila ay nagkadaupang palad kami sa silid na aming tinigilan at kinausap ko siya. Marami akong katanungan sa kanya tungkol sa kanyang pagiging isang BADET. Siya si Ed, laking Bacoor Cavite.

III. Panayam

Yffar: Ilang taon ka na ngayon?

Ed: Fifteen (15) po.

Yffar: Ang bata pa ah. Eh ilang taon ka noong malaman mong bakla ka?

Ed: Noong Grade 5 ako, mga 10 years old yata ako noon.

Yffar: Pero nagkagusto ka ba sa babae?

Ed: nagkaka-crush ako sa babae before, kaso yun nga, nalaman ko na lang sa sarili ko na nagkakagusto pala ako sa kapwa lalaki.

Yffar: Ano naman ang reaksyon ng family mo noong malaman nila na baklush ka?

Ed: Noong nalaman nila na bakla ako ang sabi na lang ng nanay ko hayaan na lang daw. Wala na silang magagawa kasi eto na ako eh.

Yffar: Sa family mo ba nakaranas ka ngn discrimination dahil judang ka?

Ed: Sa Papa ko, siguro. Oo. Kasi ako ang bunso at nag-iisang anak na lalaki.

Yffar: Unico iho ka pala, eh nabugnog ka naman ba?

Ed: Hindi naman po nila ako sinaktan.

Yffar: Sa edad mong iyan, nakailang boy friend ka na ba?

Ed: Hindi naman siya boyfriend. Fling lang siguro. Isa pa lang. Ayoko munang pumasok sa relasyon, ang gusto ko yung taong mahal ko at mahal ako.

Yffar: Wag kang maooffend ah, nakipagsex ka na ba?

Ed: Hindi rin po, kasi gusto ko kapag dumating na sa point na ibibigay ang virginity ko doon sa siguradong magtatagal. Yung long term relationship ba?

Yffar: Ang bata mo pa para pumasok sa same sex relationship ah...

Ed: Hmmm... Porke't bata ba ako eh wala na akong karapatan? Isa pa, hindi rin naman ako nagmamadaling pumasok sa relasyon.

Yffar: Ah. Ok. Hehe. Sa community nyo ba eh nakakaramdam ka ng discrimination?

Ed: Meron. Lalo na noong mas bata pa ako. Noong mga panahong kakaladlad ko lang. Lagi akong sinasabihan na, "Bakla chupain mo ako!". Pero hindi ko na lang pinagpapansin. Tapos nakakaencounter pa ako ng mga nakakaoffend na jokes, kahit pabiro alam mong may laman.

Yffar: Sa schooling mo, hindi naman ba nakakaapekto ang pagiging bakla.

Ed: Hindi no. Minsan nga mas matalino pa kaming mga bakla sa class compared sa mga straights. Mas binibigyan pa nga kami ng responsibilities kasi creative kami.

Yffar: Last na toh, in the near future, may plano ka bang magkapamilya?

Ed: Depende. Pero nasa option ko po yun. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng sariling family?

*biglang may dumating na lalaking may bitbit na digicam at nagpicture picture kaming lahat na nasa room*

IV. Analysis
Compared sa ibang mga badets, nakakatuwa itong si Ed sapagka't may pagkareserved ang kanyang pag-uugali. Unlike yung mga badets sa amin, aba, kabata bata eh humahada na. Although nakakaramdam siya ng discrimination sa family, kahit minimal, at sobra sobra sa community niya, pinipilit pa rin niyang hindi ito makaapekto sa kanyang pagkatao kahit ano pa man ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Katulad ng karamihan ng mga bakla, sa kanyang murang kaisipan ay naghahangad rin sya ng wagas na pag-ibig, ang pinagkaiba lang, ang ibang bakla ay nagmamadali, and he's not on a rush for romance and commitment. Naipapakita rin sa kanyang kasaysayan na ang pagiging bakla sa ngayon ay hinahayaan lamang at hindi pa ganoon katanggap. Ating tatandaan na may pagkakaiba ang TOLERANCE at ACCEPTANCE. Ang nais nating mga lumalaban para sa karapatan ng mga LGBT ay ang wastong pagtanggap at hindi ang bulag na pagyakap.

Ang mga badets na kagaya ni Ed ay dapat na gabayan upang hindi mailihis ng landas. Kaya matapos ang aming panayam ay iniwanan ko siya ng mga payong kaibigan at ibinigay ko rin ang aking personal number upang matawagan niya ako kung mayroon siyang mga problema sa pagiging badets. Nararapat lamang na lumaki silang mga baklang karesperespeto at may dangal.

Thai school offers transsexual toilet

Saturday, August 2, 2008

Article from: BBC News Website

With its spacious, tree-lined grounds and slightly threadbare classrooms, there is nothing obviously unusual about the Kampang Secondary School.

It is situated in Thailand's impoverished north-east, and most of the pupils are the children of farmers.

Every morning at 0800 they all gather outside to sing the national anthem and watch the flag being raised.

Then they have a chance to use the toilets, before heading off the first classes of the day.

Kampang is proud of its toilets. Spotless, and surrounded by flowering tropical plants, they have won national awards for cleanliness.

But there is something else about them too. Between the girls' toilet and the boys', there is one signposted with a half-man, half-woman figure in blue and red.

This is the transsexual toilet, and outside, in front of the mirrors, some decidedly girly-looking teenage boys preen their hair and apply face cream.

Read the complete article at: http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/7529227.stm

Lihim na Pagtingin: Goodbye My Assassin...

It pays a lot if you’re a gay trying to hide your true identity. You can’t tell anyone how you feel because it’s just between you and yourself who keeps your biggest secret. What’s worst? Hindi mo maamin na mahal mo ang lalaking sobrang iniibig mo. Ang bigat sa loob di ba? Well, naramdaman ko na rin yan and I have a story to tell:

Andrew was my block mate since first year to second year in De La Salle University-Manila sa College of Education. Chinto. Maputi. At first, hindi ko siya masyado napapansin kasi sobrang simple nyang tao. We became closer because we were both officers in our College’s Professional Organization and lagi kaming groupmates sa mga subjects namin. I enjoyed working with him because of his childish acts. Parehas kaming mahilig sa anime’ and naglalaro ng Ragnarok at DOTA.

Unti-unti, may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. Lagi ko na siyang gustong makita. Umabot pa sa point na may isang trimester na wala kaming subject na magkapareho, pero sa sobrang eager ko na maging magkakaklase kami, I had to change my scheduled courses and replaced it with a course where we can be classmates. Hanggang sa panaginip, he’s there. I always see myself lying in bed with him. Pagkagising ko, I’m quite confused but a part of me is wishing na sana totoo yun.

Sa mga occasions sa school na kami yung mag-aassist, sabay kaming magbihis ng corporate sa male’s rest room. Kaso ‘di ko magawang tingnan siya, kaya napapatalikod ako. Though natetempt ako, I’m still trying not to look at his nakedness. May mga time na magkatabi kaming matulog pero hindi ko naiisip na hawakan siya at may mangyari sa amin, ayokong mawala ang pagkakaibigan namin kahit na deep na ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagseselos ako kapag may lumalapit sa kanya at nilalandi siya ng mga OUT na bakla. Parang gusto kong makasaksak ng lapis. Bawal yun, baka mapadala ako sa Discipline Office. Hindi rin naman maiiwasan na magsabi siya sa akin na may gusto siyang babae. Anong magagawa ko, straight siya. Nagkaroon pa nga ng fair and may picture ng babaeng crush nya. Nakikipag-unahan ako mabili lang yung picture na yun at maibigay lang kay Andrew.

Nagkaroon ng issue about my sexuality kasi lagi ko siyang kasakasama. I had to deny it and the officers of the organization held a meeting just to clarify things. Ang lumalabas kasi, some officers are using Andrew para lang madetermine kung ano ba talaga ako. Kaya I decided not to go near Andrew any more. Mahirap, pero ginawa ko para di lang mapag-usapan ulit ang pagkatao ko and nagfocus ako sa work as an officer of the said organization.

Lunch break, magkakasama kaming kumain sa Agno. Andrew was there. Hindi ko siya kinakausap. Kaso bigla niya akong niyakap. Hala! Tumigil ang mundo ko. Natulala na lang ako sa sobrang gulat. He was trying to say sorry, pero hindi niya naman sinabi kung totoo yung mga rumors na kumakalat. Hindi ko na lang pinansin yun, napag-isip ko na mas magiging masaya ako kung makakasama ko pa rin siya. And as a sign na ok na kami, binigyan ko pa siya ng poster ng Assassin, favorite niya sa Ragnarok, ako naman Priest.

Dumating yung time na dumadalas ang pag-absent ni Andrew sa school. Tinatawagan ko pa siya para pumasok. May mga projects pa siya na hindi napapasa. I offered him na ako na lang gagawa ng mga unfinished projects niya kaso hindi niya ako pinayagan. His parents decided to transfer him to another school. Hindi ko matanggap. Nagtago ako sa fire exit ng Yuchenco Building para lang umiyak. Ako lang mag-isa. Dahil wala namang nakakaalam ng aking nararamdaman. Pagkalabas ko, Andrew was there. Tinanong kung bakit namumula ang mga mata ko, wala na akong sinabi at naglakad palayo sa kanya. Ilang araw rin akong umiiyak kasi hindi ko na siya makakasama. Wala akong matakbuhan kasi hindi ko pa sinasabi sa kahit na sino ang totoo kong pagkatao. Sinong makikinig sakin?

Nagshift na nga siya ng course and nagpatuloy ng study sa ibang university. Minsan nagtetext kami. Hanggang sa huling pagkakataon na magkasama kami, hindi ko naamin sa kanya na minsan sa buhay ko, minahal ko siya ng lubos. Ang tanging alaala na naiwan sakin eh ang post card ng sugatang Assassin na nakatalikod at isang Priestess na umiiyak, sumisimbolo sa aming dalawa (nacocornihan ako pero totoo). And dahil sa mga nangyari, minabuti ko na lang na hindi magkagusto sa straight, siya na ang una't huling straight na lalaking mamahalin ko.

 
 
 

Rainbow Bloggers Philippines

Ang Ladlad

Single Guys Online